Faith tourism, lalo pang mapapalago sa pagdalaw ng mga obispo sa Baclayon Church

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,037 total reads

Naniniwala ang lider ng Baclayon Bohol na makatutulong sa paglago ng pananampalataya ang pagdalaw ng mga Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa naturang bayan.

Ayon kay Mayor Alvin Uy magandang pagkakataon ang pagdalaw ng mga obispo upang muling mapaigting ng kristiyanong pamayanan sa lugar ang kanilang pananampalataya batay sa inspirasyong makikita sa pagiging masigasig ng mga pastol ng simbahan.

Umaasa ang alkalde na mas mapalalim pa ng mamamayan ang pananalig sa Diyos lalo na sa pagdalaw ng humigit kumulang 100 obispo.

“It could help promote the catholic faith and encourage the catholic faith to do more. You can see the passion of the bishops to do more for the catholic faith, and from that it will encourage all of us because most of the Baclayanons are religious talaga, majority catholics,” pahayag ni Uy sa Radyo Veritas.

Sa ikatlong araw ng pagtitipon ng CBCP kasama ang mga delegado ng National Synodal Consultations ay dinalaw ng delegasyon ang Immaculate Conception Parish o mas kilalang Baclayon Church kung saan pinangunahan ni Uy ang pagtanggap sa mga bisita kasama Fr. Nino Maconrey Supremo ang kasalukuyang kura paroko ng Baclayon Church.

Bukod sa paglago ng pananampalataya naniniwala rin si Uy na matulungang higit na lumago ang faith tourism ng bayan lalo’t ang Baclayon Church ang kinilalang ikalawang pinamatandang simbahang bato sa bansa.

“Malaki ang posibilidad na matulungang umunlad ang faith tourism sa pagdalaw ng mga obispo,” ani Uy.

Dagdag pa ng alkalde bukod sa luma at makasaysayang simbahan ng bayan ay tanyag din sa lugar ang Pamilacan Island tampok ang whale watching activities.

Gayundin ang iba pang tourism sites lalo na ang mga luma at makasaysayang simbahan ng Bohol.

Dumalo rin sa pagtitipon ang Filipino-Chinese Community ng Tagbilaran City gayundin ang iba pang lokal na opisyal na Baclayon na buo ang suporta sa mga gawain ng simbahang katolika.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 13,858 total reads

 13,858 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 13,985 total reads

 13,985 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 25,112 total reads

 25,112 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 81,518 total reads

 81,518 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 205,019 total reads

 205,019 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 289,147 total reads

 289,147 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top