Online gambling, kinundena ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,967 total views

Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas.

Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot sa lipunan ang makabagong uri ng pagsusugal na isa ng moral at pangkalahatang krisis dahil sa pagkalulong ng maraming Pilipino na sa halip na ginagamit ang kita sa pangangailangan at para sa kanilang pamilya ay nagiging pangtaya ito sa online gambling.

Naninindigan ang CBCP na walang mabuting maidudulot ang sugal sa tao higit na ngayong ginagamit na ng mga nagmamay-ari nito ang teknolohiya at e-wallet na madaling access online sa cellphone.

“Hindi natin matiis na manahimik sapagkat ang pagkasugapa at ang pagiging talamak ng sugal ay salot, isang virus na sumisira at pumapatay sa mga indibidwal, pamilya at lipunan. Itanong natin sa ating mga sarili: Uunlad ba ang bansa o barangay kung hinahayaan nating lumaganap ang ugali ng katamaran dahil sa walang puknat na sugal, pagkalugmok sa utang, pagkaalipin sa bisyo na nagdadala ng pagkasira ng mga pamilya at mga ugnayan, masamang epekto sa mental health? Uunlad ba tayo kung nalulusaw ang mga moral values natin? Magiging matatag ba tayo, maiaahon ba natin sa kahirapan ang bansa o ang pamilya natin, kung nagiging manhid tayo sa mali at masama? Hindi ba natin nakikita ang panganib sa kalusugan, mga krimen, karahasan, at banta sa kaligtasan na dulot ng talamak na sugal? Sugal ba ang sagot sa kahirapan?,” liham pastoral ng CBCP.

Pinuna din ng mga Obispo ang mga sikat na artista na nag-eendorso sa online gambling para lalong mahikayat ang mga mahihirap na matuto at maging adik sa sugal.

Panawagan ng CBCP ang sama-samang pagtuligsa sa Online Gambling upang mapalakas at higit na maisulong ang pagpapatigil sa mga ito sa Pilipinas.

Ito ay upang higit maprotektahan ang mga mamamayang Pilipino laban sa pagkalulong na sinisira ang kanilang mga trabaho, kita at pamilya.

Mensahe ng mga Obispo sa mga Pilipino ang pagwawaksi sa mga online gambling upang mawalan ito ng mga tumatangkilik at tuluyang mawala sa lipunan.

“Magdala nawa tayo pag-asa sa mga naging biktima ng bisyong ito at magsilbing mga kapatid na handang magpaalala, gumabay at tumulong sa kanila. Nawa’y muli nating marinig sa ating mga simbahan, pamilya, at lipunan ang mensahe ng kalayaan na ito na dulot ni Kristo. At huwag na nating tawaging “libangan’ ang mga bagay na itinuturing ng Diyos bilang “pagkaalipin.” Sa lahat ng ito, hinihingi namin ang panalangin at tulong ng Mahal na Birhen, ang Immaculada Concepcion, at ang habag at awa ng Banal na Santatlo: Ama, Anak, at Espiritu Santo. Amen.” ayon pa sa Liham Pastoral ng CBCP.

Sa datos ng Statista, 3.3% sa populasyon ng Pilipinas noong 2024 ang tumataya sa online gambling.

Ang online gambling ay kumita ng 38-billion pesos noong 2024 kapalit ng pagkalulong at pagkasira ng buhay at pamilya ng maraming Pilipino.

Sa datos ng Recovering Gamblers of the Philippines, 80% sa kanilang mga rehab patient ay biktima ng online gambling na bukod sa pagkalugi ng pera o kita ay nagdulot sa kanila ng depresyon, pagkasira ng buhay, pamilya at relasyon sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 6,652 total views

 6,652 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 81,266 total views

 81,266 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 161,345 total views

 161,345 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 204,484 total views

 204,484 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 205,194 total views

 205,194 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top