Online gambling, tinawag ng Obispo na panlipunang kanser

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,538 total views

Itinuturing ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy na isang sakit o isang moral at panlipunang kanser ang paglaganap ng online gambling sa bansa na bumibiktima at sinasamantala ang kahinaan ng mga mamamayan lalo’t higit ng mga mahihirap.

Ayon sa Obispo, hindi kailanman maituturing na isang libangan ang anumang uri ng sugal na higit pang nagpapalala at nagpapalaganap ng kahirapan at kawalang pag-asa sa lipunan.

Pagbabahagi ni Bishop Uy, hindi sapat ang anumang tangkang pagsasaayos ng mga regulasyon o pagkontrol sa industriya ng online gambling sa bansa sa halip ay mas kinakailangan itong tuluyan ng itigil o wakasan.

Ipinaliwanag ng Obispo na nararapat ipagbawal ng tuluyan ang online gambling na nagpaparupok sa pagbuo ng moralidad ng mamamayan.

“This is not simply a matter of entertainment or leisure. It is a moral and social cancer that preys on the poor, exploits the vulnerable, and worsens the cycle of poverty and hopelessness. While there are efforts to regulate this industry, regulation is not enough. In our context — where poverty is deep, education is uneven, and moral formation is fragile — online gambling does not just need to be controlled. It needs to be stopped.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Iginiit ng Obispo na mas kinakailangan ng bansa ng mga patakaran na nagbibigay proteksyon sa moral at espirituwal na kapakanan ng mga mamamayan sa halip na mga regulasyon na pumoprotekta sa mga mamumuhunan.

Ayon kay Bishop Uy, “Our country needs policies that protect the moral and spiritual welfare of our people, not just those that generate revenue.”

Binigyang diin din ni Bishop Uy na walang anumang halaga ng pera, dagdag na trabaho o kita mula sa buwis sa online gambling na makapagbibigay-katwiran sa negatibong epekto at pagkasira sa dignidad ng mamamayang Pilipino na naaapekto na rin maging sa mga kabataan at samahan ng pamilya sa bansa.

“Let it be clear: the financial benefits that come from online gambling — whether through tax revenues or job creation — can never justify the enormous human cost it inflicts. No amount of money can replace the loss of dignity, the pain of broken families, or the destruction of young lives.” Dagdag pa ni Bishop Uy.

Batay sa datos ng PAGCOR 38% mula sa P410-billion gross gaming revenue noong nakalipas na taong 2024 ay nagmula sa electronic gaming industry kung saan inaasahan ang higit pang paglaki nito ngayong taon, kung saan sa tala ng Statista 3.3% ng populasyon sa Pilipinas noong 2024 ang tumataya sa online gambling.

Sa datos ng Recovering Gamblers of the Philippines, 80% sa kanilang mga rehab patient ay pawang mga biktima ng online gambling na bukod sa pagkalugi sa pera ay nagdulot din ng depresyon, pagkasira ng buhay, pamilya at relasyon sa kapwa.

Matatandaang una na ring kinundina ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas kung saan dahil sa teknolohiya ay mas madali itong ma-access ng sinuman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 21,838 total views

 21,838 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 50,189 total views

 50,189 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 117,919 total views

 117,919 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 141,070 total views

 141,070 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 209,661 total views

 209,661 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top