Pagkakahirang kay Bishop Ayuban na chairman ng CBCP-ECMRBCP, welcome sa CMSP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,735 total reads

Nagpaabot ng pagbati ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) sa pagkakahirang kay Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF bilang bagong chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on Mutual Relations Between Bishop and Consecrated Persons.

Ayon sa CMSP kaisa ng Simbahan ang organisasyon ng mga relihiyoso at relihiyosa sa bansa sa kagalakan sa pagkakahalal kay Bishop Ayuban upang pangasiwaan ang nasabing komisyon.

Sa naganap na 130th Plenary Assembly ng CBCP sa Anda, Bohol noong ika-5 hanggang ika-7 ng Hulyo, 2025 ay inihalal ng kalipunan ng mga Obispo si Bishop Ayuban upang pangasiwaan ang pagsusulong sa pakikipagdayalogo at pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga Obispo at mga relihiyoso at relihiyosa sa bansa.

Ipinapalangin naman ng CMSP, ang paggabay at patnubay ng Banal na Espiritu kay Bishop Ayuban sa pagpapatibay ng relasyon sa pagitan ng mga lingkod ng Simbahang Katolika.

“Congratulations, Most Rev. Elias L. Ayuban, Jr., CMF, DD! The Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) joins the Church in celebrating your appointment as the Newly Elected Chairman of the CBCP Episcopal Commission on Mutual Relations Between Bishop and Consecrated Persons. Your pastoral leadership and deep commitment to the Church truly inspire us. May the Holy Spirit continue to guide you in strengthening the bond between the hierarchy and consecrated life in the Philippines.” bahagi ng pabati ng CMSP.

Magsisimula ang bagong katungkulan ni Bishop Ayuban bilang hahalili ni Cubao Bishop-emeritus Honesto Ongtioco sa December 1, 2025 kung saan magtatapos ang termino ng mga nakalipas na opisyal sa November 30, 2025.

Ang mga opisyal ng CBCP ay maglilingkod sa loob ng dalawang taon para sa isang termino at maaring muling ihalal sa pangalawang termino o kabuuang apat na taong pamumuno.
Kasalukuyang may 126 na miyembro ang CBCP kung saan 87 ang aktibong obispo, 38 ang mga retirado at tatlong diocesan priest-administrators.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 11,948 total reads

 11,948 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 12,075 total reads

 12,075 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 21,930 total reads

 21,930 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 78,336 total reads

 78,336 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 201,837 total reads

 201,837 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 286,108 total reads

 286,108 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top