Obispo ng Antipolo, nag-alay ng panalangin sa mga biktima ng baha sa Texas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 50,466 total reads

Nag‑alay ng panalangin si Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos para sa mga biktima ng matinding pagbaha sa Texas, Estados Unidos.

Ang pagbaha ay dulot ng matitinding pag-ulan na nagdulot ng pag-apaw ng Guadalupe River, na umabot ng higit sa 20 talampakan sa ilang bahagi ng Kerr County. Itinuturing ito bilang isa sa pinakamalubhang pagbaha sa kasaysayan ng rehiyon.

Sa ulat, higit sa 100 na ang kumpirmadong nasawi, kabilang ang 96 sa Kerr County, karamihan ay mga batang nasa Camp Mystic; habang hindi bababa sa 170 katao pa ang nanatiling nanawala.

Sa harap ng trahedya, nanawagan si Bishop Santos ng pagkakaisa, pag-asa, at pananampalataya.

“O Lord of mercy and compassion, in this hour of grief and uncertainty, we lift up our voices to You as one body, united in compassion and faith,” bahagi ng kanyang panalangin.

Ipinagdasal din niya ang mabilis na paggaling ng mga sugatan at ang lakas ng loob ng mga pamilyang nawalan ng tahanan at mahal sa buhay. Pinasalamatan din ng obispo ang mga rescuer, volunteer, at ordinaryong mamamayan na tumulong sa mga biktima.

“Bless the first responders, the volunteers, and every soul moved to help—may their efforts be a reflection of Your love,” dagdag pa ng obispo.

Ayon kay Bishop Santos, sa kabila ng lungkot at pagkawala, mahalagang manatili ang pananampalataya at pag-asa.

“Let this be not only a time of mourning, but a moment of rebirth,” ayon pa kay Bishop Santos na siya ring parish priest ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo.

Hiniling din ng obispo na nawa maging lakas at sandigan ng bawat nasalanta ang presensya ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 30,258 total reads

 30,258 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 78,129 total reads

 78,129 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 182,077 total reads

 182,077 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 268,191 total reads

 268,191 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 336,815 total reads

 336,815 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top