Alisin ang “hypocrisy”, hamon ni Cardinal Tagle sa mga lider ng gobyerno at simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,387 total views

Nanawagan si Vatican Dicastery for Evangelization Pro-Prefect Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga lider, lingkod-bayan, at tagapaglingkod ng Simbahan na iwasan ang pagkukunwari at yakapin ang kababaang-loob sa pamumuno.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng kardinal na ang hypocrisy o pagkukunwari ay nagtutulak sa isang tao na magpanggap na alam niya ang lahat, kahit sa katotohanan ay hindi sapat ang kanyang kaalaman, lalo na sa harap ng mga hamon ng makabagong panahon.

Ibinahagi ito ni Cardinal Tagle sa kanyang keynote address sa isinagawang Serviam Servant Leadership Conference ng Serviam Catholic Community Foundation, Inc. na may temang “Servant Leaders as Pilgrims of Hope,” sa La Salle Green Hills, Mandaluyong City noong July 12, 2025.

“Hypocrisy leads us to pretend that we know everything. But in reality—walking humbly—makes us admit with calm that you do not know everything,” ayon kay Cardinal Tagle.

Pinaalalahanan ng kardinal ang mga pinuno na huwag ikahiya ang limitasyon ng kaalaman, at sa halip ay makipaglakbay at makipagtulungan sa iba na mayroong sapat na talino at kasanayan.

Tinukoy ni Cardinal Tagle na ang ganitong pananaw ay tanda ng pagiging magkakasamang manlalakbay tungo sa iisang layunin, kung saan ang lider ay hindi nangingibabaw kundi nagpapakumbaba at nagbibigay-daan sa pag-unlad ng bawat isa.

“We need to journey with others, we need collaborators, for our collaborators sometimes know more than we do. So, we need them and we should not be ashamed to let them know that we need them. As you exercise your authority, acknowledge also the valuable contribution of your co-pilgrims so that they will assume more responsibility,” paalala pa ng kardinal.

Dalangin ng kardinal na sa pagdiriwang ng Taon ng Hubileo ng Pag-asa, ang mga lingkod ng Simbahan ay magpatuloy sa pagiging tapat, mapagpakumbaba, at mapaglingkod na pinuno na handang magsakripisyo, makinig, at maglakbay kasama ang bayan ng Diyos tungo sa kapayapaan at kabuuang pagbabagong-loob.

Samantala, bukod kay Cardinal Tagle, nagbahagi rin ng kaalaman at inspirasyon sa gawain sina 2024 Synod delegate at lay theologian Dr. Estela Padilla; Rappler Religion Reporter Paterno Esmaquel II; Senator Risa Hontiveros; Businessman Avin Ong; actor Dingdong Dantes, at maging si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David.

Nagtapos ang conference sa pamamagitan ng Banal na Misa na pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, katuwang sina Serviam spiritual director, Fr. Anton Pascual, at Quiapo Church rector and parish priest, Fr. Jade Licuanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 7,645 total views

 7,645 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 17,009 total views

 17,009 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 43,465 total views

 43,465 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 93,894 total views

 93,894 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 98,953 total views

 98,953 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top