Cardinal Tagle, emosyunal na ibinahagi ang karanasan ng mga migrante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,856 total reads

Naging emosyonal si Vatican Dicastery for Evangelization Pro-Prefect Luis Antonio Cardinal Tagle, habang ibinabahagi ang karanasan ng mga migranteng naninirahan at naghahanapbuhay sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon sa kardinal, bilang isang opisyal ng Vatican, maituturing din niya ang sarili bilang migrante, kaya’t damang-dama nito ang mga pinagdaraanan ng kapwa Pilipino sa ibang bansa, partikular na ang mga overseas Filipino worker (OFWs) na humaharap sa iba’t ibang hamon tulad ng digmaan at banta ng deportasyon.

Ibinahagi ito ni Cardinal Tagle sa kanyang keynote address sa ginaganap na Serviam Servant Leadership Conference ng Serviam Catholic Community Foundation, Inc., sa La Salle Green Hills, Mandaluyong City noong June 12, 2025.

“Ngayon parang takot na takot ka kapag migrante ka. We do not know how you will be treated… That’s how dangerous the world it is. If you look at the many armed conflicts situation in the world, they are almost like tribal wars,” saad ni Cardinal Tagle.

Giit ng kardinal, hindi matatawag na tunay na “synodality” ang pagkakaroon ng sigalot at hindi pagkakaunawaan sa isang bansa, lalo na kung ito’y nagdudulot ng panganib at kaguluhan sa buhay ng mamamayan.

Sa paggunita ng Simbahan sa Jubilee Year of Hope, umaasa si Cardinal Tagle na malunasan na ang umiiral na kaguluhan at suliranin sa mundo, upang makamit ang tunay na kapayapaan at mapayapang pakikilakbay sa landas ng Panginoon.

“So please, itong Pilgrims of Hope let it be the humble walk of a servant like Jesus. The humble walk of God who will walk even with the strangers, even with those different from us. And it will be a journey where our destination does not disappoint,” ayon kay Cardinal Tagle.

Nagpaabot din ng panalangin ang kardinal para sa kaligtasan ng mga migranteng patuloy na nagsasakripisyo sa ibang bansa para sa kinabukasan ng kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

“Please pray for our brothers and sisters who are living outside of our country and our culture,” dalangin ng kardinal.

 

RCAM, magsasanay ng emergency management

 10,806 total reads

 10,806 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 10,933 total reads

 10,933 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 19,975 total reads

 19,975 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 76,381 total reads

 76,381 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 199,882 total reads

 199,882 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 284,256 total reads

 284,256 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,273 total reads

 175,273 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top