Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,799 total views

Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin ang karunungan ng kabataan.

Ayon sa santo papa malaking tulong sa lipunan ang masigasig na paglilingkod ng mga tagapaghubog upang matuto ang mga kabataan na inaasahang magpapatuloy sa paglilingkod sa mga susunod na henerasyon.
Tinuran ni Pope Leo ang mga kalahok ng Giffoni Film Festival kung saan nabibigyang pagkakataon ang mga kabataan sa buong mundo na malinang ang kakayahan.

“During the summer months, there are many initiatives involving children and young people, and I would like to thank the educators and animators who dedicate themselves to this service. In this context, I wish to mention the important initiative of the Giffoni Film Festival, which brings together young people from all over the world, and whose theme this year is ‘Becoming Human’,” bahagi ng mensahe ni Pope Leo XIV.

Noong 1971 nang maitatag ang GFF na layuning isulong at paunlarin ang sining ng pelikula para sa mga kabataan at isang festival para sa mga bata at kabataang manonood.

Ito rin ay nagsilbing plataporma para sa mga produksyong pampelikula na nakatuon sa mga bata at kabataan gayundin ang palitan ng mga ideya sa pagitan ng mga filmmaker, producer, at distributor.

Layunin din ng Festival na itaguyod ang kaalaman at pagpapalaganap ng mga produktong may mataas na artistic values, mga pelikulang may kakayahang mag-ambag sa edukasyon at pag-unlad ng kultural na kamalayan at kritikal na pag-iisip ng kabataan.

Samantala sa parehong pagkakataon muli ring nanawagan si Pope Leo para sa kapayapaan ng buong daigdig at matigil na ang mga karahasan sa lipunan na pawang mga inosenteng sibilyan ang biktima.
“Let us not forget to pray for peace and for all those who, because of violence or war, find themselves in a state of suffering and need,” dagdag ng santo papa.

Patuloy na umiiral sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang mga digmaan na kumitil sa libu-libong mamamayan na karamihan ay mga sibilyan kung saan sa datos naitalang deadliest na digmaan ang World War II na may 70 hanggang 85 milyon ang nasawi kung saan 55 milyon ay mga sibilyan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 28,568 total views

 28,568 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 56,919 total views

 56,919 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 124,649 total views

 124,649 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 147,800 total views

 147,800 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 215,886 total views

 215,886 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top