Ika-12 national bible quiz, suportado ng CBCP-ECBA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,758 total views

Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Biblical Apostolate ang 12th Saint Paul National Bible Quiz (SNBQ).

Ayon kay CBCP ECBA Chairperson, Laoag Bishop Renato Mayugba magandang pagkakataon ang bible quiz upang lumalim ang kamalayan ng mamamayan lalo na ng mga kabataan hinggil sa bibliya gayundin ang pagbabahagi sa mga Salita ng Diyos.

Hinimok ni Bishop Mayugba ang mga kabataan lalo na sa sekundarya na lumahok sa bible quiz.

“In the name of the CBCP Episcopal Commission on Biblical Apostolate, I highly recommend the inter-school St. Paul National Bible Quiz organized by the Society of St. Paul. The Biblical Apostolate encourages and invites schools with junior high school students to participate in this year’s Bible Quiz,” ayon kay Bishop Mayugba.

Ayon sa pamunuan ng Socierty of St. Paul maaring magpatala ang mga lalahok na eskwelahan hanggang July 18 habang itinakda naman ang deadline sa pagsumite ng mga pangalan ng kalahok na estudyante sa July 25.

Maaring lumahok sa bible quiz ang mga mag-aaral sa Grades 7, 8, 9, o 10 ngayong school year 2025 – 2026 kung saan maaring magpadala ng isa o dalawang koponan ang bawat institusyon at dapat hanggang dalawang kalahok sa bawat team.

Pag-aaralan ng mga lalahok sa bible quiz ang Old at New Testament ng bibliya, Revised New American Bible or Revised Standard Version gayundin ang Bible Trivia Reviewer ng SPNBQ.

Umaasa si Bishop Mayugba na sa pamamagitan ng inisyatibo ng Society of St. Paul ay mas lumawak ang kaalaman ng mamamayan sa mga Salita ng Diyos.

“I hope that through this activity we can develop more interest in the Bible and grow in hope and wisdom,” dagdag ni Bishop Mayugba.

Itinakda ng St. Paul ang elimination round sa August 28, semifinal round sa August 29 habang national championship naman sa September 13 na gaganapin kasabay ng Manila International Book Fair sa SMX Convention Center sa Pasay City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 130,160 total views

 130,160 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 160,382 total views

 160,382 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 187,030 total views

 187,030 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 282,003 total views

 282,003 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 294,618 total views

 294,618 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top