Cardinal Tagle, pangungunahan ang pagpapahayag ng Our Lady of Aranzazu Parish na National Shrine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,355 total reads

Inaanyayahan ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Aranzazu ang mananampalataya sa maringal at makasaysayang pagpapahayag ng simbahan bilang national shrine.

Isasagawa ito sa August 22 kasabay ng pagdiriwang sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria kung saan pangungunahan ni Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle ang banal na misa sa alas 10 ng umaga.

Ayon sa dambana, nawa’y sa mahalagang pagdiriwang ng Diocese of Antipolo sa kaunahang national shrine ay higit na mapalawak ang debosyon sa Mahal na Birheng Maria alinsunod na rin sa temang ‘Dambana ng Pag-asa: Daan ng Peregrino kasama ang Birhen ng Aranzazu’.

“Sa pagkakaloob ng pambansang pagkilala sa Mahal na Birhen ng Aranzazu bilang Patroness of Northern Rizal, nawa’y higit pang mapalalim ang debosyon sa Mahal na Ina at mapagtibay ang diwa ng pag-asa, pagmamahal, at pagbabalik-loob sa Diyos,” bahagi ng pahayag ng dambana.

Inihayag pa ng dambana na ito rin ay bahagi ng malawakang pagdiriwang ng Jubilee Year 2025 ng simbahang katolika na nakatuon sa temang Pilgrims of Hope.

Matatandaang sa 129th plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines noong Enero isa ang simbahan ng Nuestra Senora de Aranzazu sa tatlong simbahan sa Pilipinas na idineklarang national shrine.

Batay sa kasaysayan nagsimula ang simbahan noong 1596 sa pamamagitan ng mga Agustinong misyonero ngunit August 29, 1659 nang maitayo ang parokya na itinalaga kay San Mateo na ebanghelista subalit 1705 nang pasimulan ni Fr. Juan Echazabal na isang Heswita ang debosyon ng Birhen ng Aranzazu.

July 17, 2004 ang parokya ng Nuestra Señora de Aranzazu nang maideklarang shrine ang natatanging simbahan sa Pilipinas na nakatalaga sa Birhen ng Aranzazu at sister-parish Basilica of Aranzazu sa Spain.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 61,866 total reads

 61,866 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 157,887 total reads

 157,887 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 202,155 total reads

 202,155 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 225,264 total reads

 225,264 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 297,696 total reads

 297,696 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top