Bishop Uy, itinalagang arsobispo ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 54,464 total reads

Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Leon XIV si Tagbilaran Bishop Alberto Uy bilang ikalimang arsobispo ng Archdiocese of Cebu.

Isinapubliko ng Vatican ang appointment nitong July 16 kasabay ng kapistahan ng Our Lady of Mt. Carmel.

Si Archbishop-designate Uy ang hahalili kay Archbishop Jose Palma makaraang maabot ang mandatory retirement age ng isang obispo na 75 taong gulang noong March 19, 2025 makalipas ang 14 na taong paninilbihan sa arkidiyosesis.

Tubong Ubay, Bohol ang bagong arsobispo at nagtapos ng kanyang philosopy sa Immaculate Heart of Mary Seminary sa Tagbilaran City, theology naman at master’s degree ng pastoral ministry sa St. John Mary Vianney Theological Seminary sa Cagayan de Oro City habang licentiate ng sacred theology sa Loyola School of Theology sa Quezon City.

Inordinahan si Archbishop-designate Uy noong 1993 sa Diocese of Talibon at ginampanan ang iba’t ibang tungkulin sa diyosesis.

Noong 2002 hanggang 2006 nagtungo ng Roma ang arsobispo at nagtapos ng doctorate in sacred theology sa Pontifical Gregorian University.

Matatandaang OCtober 2016 nang italaga ni noo’y santo papa Pope Francis si Archbishop designate Uy bilang obispo ng Tagbilaran kahalili sa nagretirong si Bishop Leonardo Medroso.

January 5 nang gawaran ng episcopal ordination ang obispo sa pangunguna ni Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle na noo’y arsobispo ng Manila at iniluklok sa cathedra ng Tagbilaran January 6, 2017.

Ipapastol ni Archbishop designate Uy ang humigit kumulang limang milyong kawan ng buong lalawigan ng Cebu katuwang ang 375 diocesan priests at 278 religious priests sa mahigit 170 mga parokya.
Kasunod nang appointment nasa limang ecclesiastical territory ang sede vancate sa Pilipinas ang Boac, Kalibo, San Jose sa Nueva Ecija, Tabuk at ang Tagbilaran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 59,101 total reads

 59,101 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 155,317 total reads

 155,317 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 199,586 total reads

 199,586 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 222,695 total reads

 222,695 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 295,226 total reads

 295,226 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top