Panalangin para sa mga biktima ng bagyong Crising, hiling ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,442 total reads

Humiling ng panalangin ang opisyal ng Vatican para sa mga biktima ng pagbaha sa pananalasa ng Bagyong Crising.

Sa ikalawang araw ng 11th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XI) pinangunahan ni Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle ang banal na misa sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavillon kung saan umapela ito sa mananampalataya na alalahanin sa mga panalangin ang mga nakaranas ng paghihirap dulot ng mga sakuna.

“Ipagdasal po natin ang ating mga kapatid na sa oras na ito ay dumaranas ng mahirap na sitwasyon dahil sa ulan at baha. Huwag natin silang iiwan lalo na sa ating mga panalangin,” ayon kay Cardinal Tagle.

Sinabi ni Cardinal Tagle na sa mga panahong nakararanas ng paghihirap ang sangkatauhan dulot ng mga sakuna at kalamidad ay bukod tanging si Hesus ang magbibigay ng liwanag at pag-asa sa bawat isa.

Matatandaang July 16 nang pumasok sa bansa ang Bagyong Crising sa Virac Catanduanes at lumabas ng Philippine Area of Responsibility, Sabado ng hapon.

Ilang lugar sa bansa ang isinailalim sa tropical cyclone wind signal dahil sa mga pag-ulang dulot ng bagyo.

Dahil sa bagyo mas pinaigting nito ang southwest monsoon o hanging habagat na nagdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila.

Nagdulot ng mga pagbaha at landslide sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang bagyo at habagat na nakakaapekto sa mga komunidad.

Nakaantabay naman ang mga social arm ng simbahang katolika tulad ng Caritas Manila at Caritas Philippines at nakikipag-ugnayan sa mga apektadong diyosesis upang makapaghatid ng tulong para sa mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 19,188 total reads

 19,188 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 106,101 total reads

 106,101 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 152,840 total reads

 152,840 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 200,712 total reads

 200,712 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 303,756 total reads

 303,756 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top