Thanks giving mass para sa SONA, isasagawa sa Manila cathedral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,169 total reads

Bago ang pormal na pagbubukas ng ika-20 Kongreso, isang thanks giving mass ang isasagawa sa Linggo, isang araw bago ang ika-apat na State of the Nation Address ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes July 28.

Gaganapin ang misa sa Manila Cathedral ganap na ika-apat ng hapon sa July 27, na pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Ang misa ay inaasahang dadaluhan ng mga mambabatas, mamamahayag at mga kawani ng Mababang Kapulungan.
Samantala, una na ring inihayag ni House Spokesperson Atty. Princess Abante na 90 hanggang 95 porsyento nang handa para sa pagtitipon na gaganapin sa Batasang Pambansa.

Nitong Lunes, isinagawa ang huling inter-agency coordination meeting bilang paghahanda sa pag-uulat sa bayan ng Pangulong Marcos.

Ayon kay Abante, nasa huling yugto na ng paghahanda ang Kamara, kung saan lahat ng kaukulang ahensya ay maingat na binabantayan ang lagay ng panahon at inaayos ang mga contingency plan.

Sa kabila ng pabugso-bugsong pag-ulan nitong mga nagdaang araw, nilinaw ni Abante na hindi ito naging sagabal sa paghahanda.

“Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin ‘yung preparations natin. Hindi naman siya naaantala. Of course, we will keep on monitoring ‘yung developments ng ating panahon sa mga susunod na araw. Pero as of today, tuloy-tuloy at wala namang disruption sa mga preparations,” paliwanag niya.

Sinabi rin ni Abante kinokonsidera ang contingency plans sakaling lumala ang lagay ng panahon, ngunit wala pang napag-uusapan tungkol sa posibleng pagpapaliban ng physical gathering.

Dagdag pa niya, tapos na ang mga security preparations at magiging katulad ito ng sa nakaraang taon, na may kaunting pagbabago kung kinakailangan.

“Of course, there will always be adjustments on various situations or concerns, but just the same, the security group is all prepared for next week’s SONA,” ayon pa sa tagapagsalita ng Kamara.

Nilinaw din ni Abante na wala silang natatanggap na partikular na banta sa seguridad sa ngayon, ngunit patuloy ang ginagawang pagbabantay ng mga awtoridad.

“Sa ngayon, wala naman akong alam specifically na binabantayan. Of course, the Philippine National Police and the Presidential Security Council are always prepared for any security threat. But any specific, well, I have no information,” ayon pa kay Abante.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 28,237 total reads

 28,237 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 62,038 total reads

 62,038 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 98,520 total reads

 98,520 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 116,733 total reads

 116,733 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 199,544 total reads

 199,544 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top