Radyo Veritas, pinaigting ang pagiging daluyan ng habag, awa at pag-asa ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,346 total reads

Tiniyak ng Pangulo ng Radyo Veritas – Ang Radyo ng Simbahan ang patuloy na pagsusumikap ng himpilan na magsilbing daluyan ng habag, awa at pag-asa ng Panginoon para sa mga apektado ng sama ng panahon na dulot ng Hanging Habagat na unang pinaigting ng Bagyong Crising.

Ayon kay Rev. Fr. Roy Bellen, bukod sa pakikipagtulungan sa Caritas Manila na social arm ng Archdiocese of Manila ay puspusan rin ang pakikipag-ugnayan ng Radyo Veritas sa mga apektadong parokya at diyosesis sa Kalakhang Maynila at mga karatig lugar upang malaman ang kalagayan.

Pagbabahagi ng Pari, bukod sa pagbibigay ng impormasyon kaugnay sa sitwasyon sa iba’t ibang lugar ay ilalaan rin ng Radyo Veritas para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan ang intensyon ng pananalangin sa lahat ng mga isasagawang banal na misa sa himpilan.

Unang una nakamonitor po tayo, nakadeploy po yung ating mga tao and we have been in contact with parishes para po sa mga pangangailangan po nila at ganun din po tayo po ay ka-partner ng Caritas Manila at mga diocese din po kung ano po yung tulong na maari pong maibigay. So apart from information, meron tayong pagtulong at pagkilos po, and of course yung ating mga misa dito po sa ating istasyon ito po ay iniaalay para din po sa kaligtasan ng atin pong mga kababayan.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Bellen sa Radyo Veritas.

Bukod sa pakikiisa sa pananalangin ay inaanyayahan rin ng Pari ang lahat na makidamay sa pagkilos at pagtulong sa mga nangangailangan tulad ng mga evacuees sa iba’t ibang lugar na kinailangang lumikas mula sa mababang lugar dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig baha.

Binigyang diin din ni Fr. Bellen ang kinakailangang pagkilos ng lahat upang pangalagaan ang kalikasan bilang pangmatagalang pagtugon sa kalagayan ng kapaligiran.

Apart from prayer ay tayo po ay makiramay din, makidamay po sa pagkilos, pagtulong sa ating mga kasama pong nangangailangan ng suporta, yung mga kailangan pong lumikas kaya nga po ang ating mga Simbahan sa Metro Manila ay nagbukas na para maging lugar po na likasan ng mga tao na yung kanilang bahay o tinutuluyan po ay mataas pa po yung tubig, at yung panghuli syempre po yung pangmatagalang pagkilos kailangan nating alagaan talaga yung ating kalikasan, ito na nga po yung ilan sa mga epekto ng atin pong nagawang damage sa atin pong kalikasan.” Dagdag pa ni Fr. Bellen.

Bahagi ng paanyaya ng Pari ang pakikibahagi sa apat na misa ang maaring matunghayan sa himpilan ng Radyo Veritas tuwing alas-sais ng umaga, alas-dose ng tanghali, alas-sais ng gabi at alas-dose ng madaling araw.

Kaugnay nito patuloy ang panawagan ng Simbahan sa publiko para sa pangangalaga ng kalikasan kung saan nasasaad sa Ecyclical Letter ng Kanyang Kabanalan Francisco na Laudato Si na babalik lamang sa tao ang sakunang maaring idulot ng kapabayaan at pang-aabuso sa kalikasan at kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 31,020 total reads

 31,020 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 64,648 total reads

 64,648 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 101,131 total reads

 101,131 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 119,343 total reads

 119,343 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 201,991 total reads

 201,991 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top