Obispo ng Cubao, personal na nakiramay sa mag-asawang nalunod ang anak sa baha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,041 total reads

Nanatiling matatag sa pananampalataya si Maria Teresa Batistis sa kabila ng pagkamatay ng kanyang panganay na anak na si Fhilton John Batistis matapos malunod sa baha dulot ng hanging Habagat na pinaigting ng bagyong Crising.

Sa panayam ng Radyo Veritas, sinabi ni Batistis na sa kabila ng sinapit ng kanilang pamilya ay buo pa rin ang kanyang tiwala sa Diyos.

“Lahat ng mga pagsubok na binigay sa akin, tinanggap ko naman ng maluwag sa puso ko. Sa Panginoon ako humuhugot ng pag-asa. Hinihiling ko sa Kanya na bigyan kaming mag-asawa ng lakas ng loob para sa dalawa pa naming anak,” pahayag ni Batistis.

Pagbabahagi nito umalis si Fhilton sa kanilang tahanan noong July 21 at inabutan ng biglaang pagtaas ng tubig sa ‘Calvary’ area ng Damayang Lagi, Quezon City at hindi agad natagpuan matapos tangayin ng baha.

Dahil sa hirap ng paghahanap, dumulog si Batistis sa panalangin sa paanan ng Our Lady of Mount Carmel upang humiling ng tulong na matagpuan ang katawan ng kanyang anak.

Makalipas ang 24 oras, natagpuan ang labi ni Fhilton sa dalampasigan ng Navotas City.

Lubos ang pasasalamat ng mag-asawang Edwin at Maria Teresa Batistis sa mga indibidwal at institusyong tumulong sa kanilang pamilya.

“Kahit sabihing masama ang nangyari sa aming pamilya, ipinagpapasalamat ko pa rin sa Diyos. Dito ko nakikita ang mga taong nagmamahal sa amin, sa anak ko. Hindi kami pinababayaan—tinutulungan kami,” dagdag ni Batistis.

Personal namang nakiramay si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF sa pamilya Batistis, na pansamantalang lumikas sa Minor Basilica of the National Shrine of Our Lady of Mount Carmel.

“Tayo ay isang pamilya. Kaya kung meron man sa ating mga kapatid na nangangailangan ng tulong, tayo ay handang makiisa, makiramay, at magbigay ng anumang pwedeng maiambag para lang maibsan ang ating kahirapan,” pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Si Fhilton, isang iskolar ng basilica, ay kabilang sa pitong nasawi sa pananalasa ng habagat, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bukod pa rito ang walo na nawawala habang pito naman ang nasugatan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 13,573 total reads

 13,573 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 100,853 total reads

 100,853 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 147,593 total reads

 147,593 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 195,465 total reads

 195,465 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 298,935 total reads

 298,935 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top