Bamboo Housing community, binuksan ng Vincentian foundation sa mga apektado ng baha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,468 total reads

Muling ipinamalas ng Vincentian Foundation ang diwa ng pagkakawanggawa at pagmamalasakit sa mga mamamayang apektado ng pagbaha dahil sa habagat na unang pinaigting ng nagdaang Bagyong Crising.

Noong July 21 ay binuksan ng foundation ang kanilang Bamboo Housing Community para sa mga residenteng lumikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa walang humpay na pag-ulan.
Umabot sa mahigit 700 indibidwal ang kinanlong ng Vincentian Foundation mula sa 200 mga pamilya.

Katuwang ng foundation sa pagtulong ang lokal na pamahalaan at mga opisyal ng barangay na nagbigay ng banig para sa mas maayos na matutulugan gayundin ang iba pang pribadong grupo na naghatid ng mga pagkain.

“Efforts to support the evacuees have come from multiple sectors,” ayon sa pahayag ng Vincentian Foundation sa pamumuno ni Fr. Geowen Porciuncla, CM.

Nagpaabot din ng tulong ang Tanging Yaman Foundation sa pamumuno nina Fr. Manoling Francisco, SJ at Fr. Bong Sarabia, CM kabilang na ang labindalawang kaban ng bigas, mga de lata gayundin mga sariwang gulay na direktang binili sa mga lokal na magsasaka sa iba’t ibang rehiyon.

Nakalikom din ang foundation ng sampung libong cash donations at 55-libong pisong halaga ng inkind donations mula sa 12 donors.

Apela ng Vincentian Foundation sa publiko na suportahan ang kanilang kawanggawa sa pamamagitan ng pagdadala ng tulong sa St. Vincent Seminary sa Tandang Sora Avenue, Quezon City upang ipamahagi sa mga nasalanta ng kalamidad.

Una nang tiniyak ng mga simbahan sa bansa ang kahandaang lulmingap sa mga mamamayang apektado ng mga kalamidad kabilang na ang pagbubukas sa mga simbahan bilang pansamantalang matutuluyan.
Nakipag-ugnayan na rin ang Caritas Manila sa mga social action centers ng mga apektadong diyosesis at mga parokya para sa paghahatid ng relief goods.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 112,197 total reads

 112,197 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 188,397 total reads

 188,397 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 221,845 total reads

 221,845 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 257,144 total reads

 257,144 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 479,261 total reads

 479,261 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top