CBCP-ECIP, nababahala sa walang konsultasyon na proyekto sa mga lupang katutubo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,803 total reads

Nabahala ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP), kaugnay sa epekto ng mga mapaminsalang proyektong isinasagawa sa mga lupain ng mga katutubo na walang sapat na konsultasyon at tunay na Free, Prior and Informed Consent (FPIC).

Ito ang naging pahayag ni CBCP-ECIP executive secretary Tony Abuso sa panayam sa Padáyon: The Filipino Synodal Witnessing of the Catholic Faith, na bahagi ng ikatlo at huling araw ng 11th Philippine Conference on New Evangelization sa University of Santo Tomas noong July 20, 2025.

Patungkol ito sa kasalukuyang kalagayan ng mga katutubo sa Sitio Marihangin sa Bugsuk Island, Balabac, Palawan na nanganganib ang kaligtasan dahil sa banta ng sapilitang pagpapaalis at panggigipit mula sa mga tauhan ng San Miguel Corporation.

“Marami pong ganitong sitwasyon, iba lang po siguro ang porma, pero iyon pa rin – ‘yung pagpasok ng mga programang pang-kaunlaran na hindi nako-konsulta ang mga katutubo,” ayon kay Abuso.

Binanggit ni Abuso na ang usapin ay hindi lamang limitado sa isang korporasyon na nagsasagawa ng mga sinasabing development projects ng pamahalaan na sinasabing may pahintulot ngunit walang tunay na FPIC mula sa mga katutubo.

Aminado ang opisyal na may pagkukulang din ang Simbahan sa ganitong usapin, ngunit patuloy naman ang pagkilos at pakikiisa nito sa mga katutubo.

Pinuna rin ni Abuso ang kawalan ng pagkilala at pakikiisa ng maraming Katolikong Kristiyano sa mga katutubo, gayundin ang pananahimik ng ilang lider ng pamahalaan na Kristiyano rin.

“Mismong marami pa rin sa ating mga Kristiyanong Katoliko ang hindi nakikilala, hindi nakikiisa sa mga kapatid nating katutubo… Pero ‘yung mga namumuno sa ating pamahalaan na kasama sa ating pananampalataya ay sila pa rin ang nangunguna para mapanatili pa ring nasa laylayan ang mga kapatid nating katutubo. Sila ‘yung mga hindi nagpapatupad ng batas,” ayon kay Abuso.

Matatandaang nagpahayag ng pakikiisa sa mga katutubo ng Sitio Marihangin sina Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona at Taytay Bishop Broderick Pabillo para sa pangangalaga sa karapatan ng mga katutubo.

Sa Laudato Si’, binigyang-diin ng yumaong Santo Papa ang kanyang pag-aalala sa kalagayan ng mga katutubo, na madalas dumanas ng pananakot, pang-uusig, at sapilitang pagpapalayas sa kanilang mga lupaing ninuno para bigyang-daan ang mapaminsalang pag-unlad.

Iginiit ni Pope Francis na ang mga katutubo ay likas na tagapangalaga ng kalikasan at itinuturing na mga tunay na katiwala ng sangnilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 112,238 total reads

 112,238 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 188,436 total reads

 188,436 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 221,884 total reads

 221,884 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 257,183 total reads

 257,183 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 479,300 total reads

 479,300 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 158,832 total reads

 158,832 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top