Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Labanan ang Climate accountability disinformation

SHARE THE TRUTH

 15,386 total views

Nanawagan sa publiko si Billie Dumaliang, Director for Advocacy ng Masungi Georeserve Foundation Inc. na tukuyin at labanan ang mas malalim na anyo ng panlilinlang kaugnay sa krisis sa klima.

Binigyang-diin ni Dumaliang ang ‘climate accountability disinformation’ na, sa gitna ng umiiral na matinding epekto ng climate change, ay hindi tahasang itinatanggi ang krisis kundi inililihis ang pananagutan ng mga totoong may sala.

“In the Philippines, where the impacts of climate change are already severe, disinformation doesn’t deny climate change… Instead of denying the crisis, it distorts who’s responsible,” ayon kay Dumaliang.

Paliwanag pa ni Dumaliang, mahalagang tukuyin nang malinaw ang ganitong uri ng panlilinlang sa mamamayan, at panagutin ang mga totoong may pagkakasala sa tumitinding suliranin sa klima.

“We need to name it, call it out, and hold the right people accountable,” dagdag niya.

Sa kabila ng tumitinding pangamba mula sa mga sakuna at kalamidad na pinalalala pa ng hindi maayos na pag-unlad, umaapela ang Masungi Georeserve sa mas mahigpit na pagbabantay at mas pinaigting na paninindigan para sa katarungang pangklima.

Batay sa imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR), may 47 malalaking kumpanya sa sektor ng karbon, langis, semento, at pagmimina ang sinadyang binago ang mga datos ukol sa klima upang mailihis ang pananagutan sa lumalalang krisis pangkalikasan.

Itinuturing ng CHR na ang kapabayaan sa pagtugon sa climate change ay paglabag sa karapatang pantao, dahil direktang naaapektuhan nito ang karapatan ng buhay at dignidad ng mamamayan.

Sa Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco, tungkulin ng pamahalaan na paigtingin ang pagpapatupad ng mga batas at programa na mangangalaga hindi lamang sa mamamayan kundi maging sa kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 7,227 total views

 7,227 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 21,287 total views

 21,287 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 39,858 total views

 39,858 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 65,081 total views

 65,081 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 15,135 total views

 15,135 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
Scroll to Top