Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 15,696 total views

“Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”.

Kapanalig, ito ang tawag ni Cardinal Pablo Virgilio David sa paraan kung paano hinahawakan ng pamahalaan ang online gambling. Hinatulan ng Cardinal ang mga opisyal ng pamahalaan, mga mambabatas na guilty sa salang “moral negligence” nang payagan ang walang kahirap-hirap na access sa mga online betting platforms”.

Ang laganap na online gambling na ginawang legal ng gobyerno ay isa nang kanser at makabagong mental health crisis. Gusto ng simbahan na tuluyang pagbabawal o total ban sa lahat ng uri ng online gambling. Ang sagot ng pamahalaan, hindi puwede ang total ban..,maari lang daw itong i-regulate.

OO nga naman Kapanalig, bakit mo tuluyang ipagbawal ang online gambling? Marami ang ninipis ang bulsa. Biruin mo, 154.51 bilyong piso ang mawawala sa revenue ng pamahalaan ng Pilipinas kung iba-ban ang nakaka-adik na sugal. Katwiran ng PAGCOR, hindi puwede ang kahilingan ng simbahan, mawawalan ng pondo ang mga social programs ng pamahalaan. Kailangan lang naman na i-regulate ang online gambling para hindi makapasok ang mga kabataan. Paano kontrolin ng pamahalaan ang mga digital natives?

Importante sa PAGCOR ang bilyun-bilyong pisong kita sa online gambling, wala itong pakialam sa malalang epekto ng addiction sa sugal sa mga Pilipino lalu na ang mga kabataan.

Kapanalig, sang-ayon ka ba sa lohika ng pamahalaan na isinaligal ang sugal dahil malaki ang kita dito? Kung ito ang katwiran ng gobyerno, iminungkahi ni Cardinal David na gawin na ring legal ang lahat ng nagdudulot ng adiksyon tulad ng shabu? Paano mo nga naman gawing legal ang isang gawaing kriminal?

Kapanalig, anong reasoning ang papanigan mo? Malaking kita kapalit ng mawawasak o masisira na milyun-milyong pamilya at kinabukasan?

Huwag nating isugal ang kinabukasan ng bansa., ng mga mamamayan sa pansamantalang kinang ng salapi. Ang tao, ang kinabukasan ng isang bansa.

Tinagurian pa ng lider ng simbahan ang online gambling na “modern-day slavery” katulad ng adiksyon sa social media. Kapanalig, totoo ang slavery (pagkakaalipin), pero kung totoo ang slavery sa bansa, totoo din ang pangakong kalayaan ng panginoon. Ang simbahang katolika ay lugar o place of liberation.

Kapanalig, ipinapaunawa sa atin ng “Timothy 6:10-For the love of money is a root of all kinds of evil. Some people, eager for money, have wandered from the faith and pierced themselves with many griefs.”

Tinawagan din tayo na isinabuhay ang “Hebrews 13:5-Keep your lives free from the love of money and be content with what you have, because God has said, ‘Never will I leave you; never will I forsake you.’”

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 15,697 total views

 15,697 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 29,756 total views

 29,756 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 48,327 total views

 48,327 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 73,168 total views

 73,168 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

MISALIGNED

 29,759 total views

 29,759 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 48,330 total views

 48,330 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 73,171 total views

 73,171 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 70,532 total views

 70,532 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 94,230 total views

 94,230 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 102,942 total views

 102,942 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 106,573 total views

 106,573 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 109,129 total views

 109,129 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 109,941 total views

 109,941 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »
Scroll to Top