Simbahan, tutugon sa pangangailangan ng mga apektado ng bagyong Dante at Emong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,344 total reads

Tiniyak ng Caritas Novaliches Social Action Center ang kahandaang tumugon sa pangangailangan ng mga apektadong parokya sa diyosesis dulot ng sama ng panahon dahil sa umiiral na bagyong Dante at bagyong Emong na pinaiigting pa ng hanging Habagat.

Sa isinapublikong abiso ng Caritas Novaliches, Inc. ay inihayag ng Social Action Center ng Diyosesis ng Novaliches ang kahandaan na tumugon at umagapay sa pangangailangan ng mga mamamayang apektado ng sama ng panahon sa nasasakop na lugar ng diyosesis.

Ayon sa Caritas Novaliches, maaring makipag-ugnayan ang mga parokya sa diyosesis para sa pangangailangan ng mga apektadong residente sa kanilang lugar upang agad na matugunan ng Social Action Center ng diyosesis.

“Caritas Novaliches Social Action Center is OPEN and AVAILABLE to provide assistance to parishes within the Diocese of Novaliches during this Habagat season. If your parish needs support, don’t hesitate to reach out!” Bahagi ng abiso ng Caritas Novaliches.

Bukod sa kahandaang agad na tumugon sa mga apektadong mamamayan ay bukas rin ang Caritas Novaliches sa pagtanggap ng mga tulong at donasyon upang maipamahagi sa mga nangangailangan parokya at komunidad.

Bahagi ng panawagan ng Caritas Novaliches sa bawat isa ang tumulong sa mga nangangailangan bilang daluyan ng biyaya at pag-asa para sa mga mamamayang apektado sa sama ng panahon.

“Let’s share our blessings to uplift our parishes and communities affected by the current Southwest Monsoon or Habagat.” panawagan ng Caritas Novaliches.

Bukod sa tulong pinansyal ay maaari ring magbahagi ng in-kind donations sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Caritas Novaliches sa numero bilang 0966-871-1014 o kaya naman ay sa mismong tanggapan nito sa Diocese of Novaliches Social Action Center – 2nd Floor, Obispado de Novaliches, Good Shepherd Cathedral Complex sa Brgy. Fairview, Quezon City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 119,582 total reads

 119,582 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 195,381 total reads

 195,381 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 228,829 total reads

 228,829 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 264,128 total reads

 264,128 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 485,949 total reads

 485,949 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top