Maghigpit ng sinturon!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 586 total reads

Pinayuhan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples ang taumbayan na magtipid sa nagbabadyang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.

Ito ang negatibong epekto ng patuloy na pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.

Pingangambahan ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-ECMIP na ang pananatili ng palitan sa 50-pesos sa isang dolyar ay magpapahirap sa taumbayan dahil tataas din ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado gayundin sa serbisyo.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Bishop Santos ang mamamayan na matutong magtipid o maghigpit ng sinturon para paghandaan ang panahon ng kagipitan at malaking gastusin.

“Ang pagtaas ng palitan ng piso kontra dolyar ay may negative na impact para sa atin, susunod rin na tataas ang presyo ng bilihin. Kaya sana ay magtipid, magsinop, bilhin lamang ang karapat – dapat, mag – ipon sapagkat darating ang araw na kailangan na kailangan natin ng pera at higit sa lahat sa pasukan, sa tag– ulan kailangan natin ng maluwag na pamumuhay at sa pagpapaaral.”panawagan ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Batay sa exchange rate bulletin ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nagsara ang palitan ng piso sa 50.25 kada isang dolyar.

Dahil sa mababang halaga ng piso, inaasahan rin na magtataas ang singil sa tubig, kuryente maging ang pamasahe.

Nauna rito, pinuna ng C-B-C-P ang kawalan ng mga programa ng administrasyong Duterte para tugunan ang laganap na kahirapan sa bansa dahil nakatutok lamang ito sa “war on drugs” sa halip na “war on poverty”.

Read:
http://www.veritas846.ph/gobyerno-kulang-ang-focus-sa-paglaban-sa-kahirapan/
http://www.veritas846.ph/simbahan-sa-gobyerno-tutukan-naman-ang-paglikha-ng-poverty-alleviation-programs/

Batay sa Annual Poverty Indicators Survey, ang monthly poverty threshold o buwanang gastusin ng isang pamilya na binubuo ng limang miyembro ay P8,022 kada buwan upang makamuhay ng marangal at matiwasay.

Sa pinakahuling survey ng S-W-S, 11.2-milyong Filipino ang walang trabaho o jobless sa huling quarter ng taong 2016.

Lumabas din sa survey na 44-porsiyento o katumbas ng 7.7-milyong pamilyang Filipino ang dumaranas ng kahirapan.(Romeo Ojero)

2-araw na tigil-pasada, ikakasa ng PISTON

 3,012 total reads

 3,012 total reads Maglulunsad ang transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ng dalawang araw na tigil-pasada sa Setyembre 29

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 53,949 total reads

 53,949 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 87,281 total reads

 87,281 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 119,426 total reads

 119,426 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 185,484 total reads

 185,484 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 201,202 total reads

 201,202 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top