Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hiroshima at Nagasaki, babala sa malagim na dulot ng digmaan-Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,696 total views

Inaanyayahan ng Kanyang Kabanalan, Pope Leo XIV, ang bawat mananampalataya na patuloy na ihanda ang kanilang puso para sa isang mas malalim na pakikipagtagpo at pagtanggap kay Hesus.

Sa kanyang patuloy na katesismo para sa Taon ng Hubileyo na may temang “Christ our Hope,” binigyang-diin ng Santo Papa ang kahalagahan ng pusong laging bukas at handa sa presensya ng Panginoon.

“We must prepare our hearts through concrete acts of love, forgiveness, and self-giving,” wika ni Pope Leo XIV.

Ipinaliwanag ng santo papa na ang tunay na pag-ibig—tulad ng pagpapakasakit ni Hesus ay hindi isang aksidente, kundi isang malayang pasya na ialay ang sarili para sa iba.

Tinuran ni Pope Leo na ang puso ng bawat isa ay parang isang silid-itinatagpo, isang lugar na pinili at inihanda ng Panginoon upang Siya’y manahan.

“Our own hearts, chosen and set aside by the Lord as a place of encounter with Him,” aniya.

Paggunita sa Hiroshima at Nagasaki

Samantala, ginunita rin ng punong pastol ng Simbahan ang ikawalong dekadang anibersaryo ng atomic bombing sa mga lungsod ng Hiroshima at Nagasaki sa Japan, na naganap noong Agosto 1945. Mahigit 100 libong katao ang nasawi sa nasbing trahedya.
Ipinahayag ng Santo Papa ang kanyang pakikiramay sa lahat ng biktima at kanilang mga pamilya, at muling nanawagan laban sa paggamit ng mga sandatang nukleyar.

“Those tragic events constitute a universal warning against the devastation caused by wars and, in particular, by nuclear weapons. I hope that the illusory security based on the threat of mutual destruction may give way to the tools of justice,” saad ni Pope Leo.

Nanawagan din ito ng pandaigdigang pagkakaisa sa kabila ng mga tensiyon at alitan sa kasalukuyang panahon. Aniya, ang dayalogo at pagkakapatiran ang dapat manaig bilang daan tungo sa tunay na kapayapaan.

“Let us replace the threat of mutual destruction with dialogue and trust in fraternity,” giit ng Santo Papa.

Sa kabuuan, muling hinikayat ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya na maging aktibo sa paghahanda hindi lamang para sa taunang pagdiriwang ng Hubileyo kundi para sa araw-araw na pagtanggap kay Kristo—sa puso, sa kapwa, at sa mundo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 8,599 total views

 8,599 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 30,665 total views

 30,665 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 46,361 total views

 46,361 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 54,515 total views

 54,515 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 118,088 total views

 118,088 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top