Religious life ng mga madre ng RDW, ipinagdiwang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,643 total reads

Isang makabuluhang pagdiriwang ng pananampalataya at katapatan sa bokasyon ang ginanap ng Religious of the Divine Word (RDW) ngayong taon, kung saan apat na madre ang nagdiwang ng mahalagang anibersaryo ng kanilang buhay relihiyoso.

Sa kanyang ika-25 anibersaryo bilang madre, nagpasalamat si Sr. Rebee Rose Rivera, RDW sa walang sawang patnubay ng Diyos na nagbibigay-lakas upang manatiling tapat sa kanyang bokasyon.

Sa panayam sa Radyo Veritas, ibinahagi ng madre ang mga pagsubok na hinarap sa loob ng mahigit dalawang dekadang paglilingkod, at ang kanyang panawagan sa mga kapwa lingkod ng simbahan.

“Sa tulong at awa ng Diyos nakarating ako sa estado ng aking religious life na 25 years. Sa mga naglilingkod, hindi nawawala na minsan may mga unos na dumarating sa buhay, pero lagi lang tayong manalig, kumapit sa pag-ibig at awa ng Diyos kasi Siya ang nagbibigay ng katatagan at inspirasyon para magpatuloy sa misyon,” pahayag ni Sr. Rivera.

Kasama niyang nagdiwang ng ika-25 anibersaryo sina Sr. Gresilda Omambac, RDW at Sr. Jeanne Avellani, RDW, habang si Sr. Lorina Cataniag, RDW ay ipinagdiwang naman ang kanyang ika-30 taon sa buhay relihiyoso.

Inalala rin ni Sr. Rivera ang yumaong Obispo Cirilo Almario, noo’y obispo ng Diocese of Malolos, na siyang nagtatag ng RDW noong Disyembre 2, 1991. Layunin ng kongregasyong ito na itaguyod ang Biblical Apostolate ng Simbahang Katolika—isang misyong nakatuon sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos.

Ayon sa tala ng diyosesis, isa ang RDW sa tatlong pious associations na itinatag ni Bishop Almario, kabilang ang Sisters of the Divine Shepherd, na nakatuon sa Social Action Apostolate, at ang Religious Catechists of Mary, na nagsusulong ng Catechetical Apostolate.

Sa pagtatapos ng selebrasyon, muling ipinahayag ni Sr. Rivera ang kanyang pag-asa na mas marami pang kabataan ang tumugon sa panawagan ng Diyos tungo sa buhay relihiyoso.

“Nawa’y mas dumami pa ang mga bokasyon para mas mapaglingkuran natin ang lumalaking kawan ni Hesus, lalo na sa aming gawaing pagpapakilala kay Kristo sa pamamagitan ng Mabuting Balita.”

Nanawagan din siya sa mamamayan na ipagpatuloy ang panalangin para sa mga madre, pari, relihiyoso at lahat ng nagtalaga ng kanilang buhay sa Diyos, upang mapagtagumpayan nila ang bawat hamon sa misyon ng Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 67,852 total reads

 67,852 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 146,550 total reads

 146,550 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 179,997 total reads

 179,997 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 215,294 total reads

 215,294 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 439,033 total reads

 439,033 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top