Diocese of Borongan, nagpahayag ng suporta sa kinasuhan na environmental defenders

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 53,348 total reads

Ipinahayag ng Diyosesis ng Borongan ang pakikiisa at suporta sa mga opisyal ng Barangay Casuguran at mga kasapi ng Homonhon Environmental Advocates and Rights Defenders (HEARD), na nahaharap ngayon sa kasong isinampa ng Emir Mineral Resources Corporation (EMRC).

Kabilang sa limang community leaders na kinasuhan ay sina Kerrilyn Rose Hombria, Dioniosio Bandoy, Jeremy Padilla, Nelson Badenas, at Ruben Badeo, kasama ang pangulo ng HEARD na si Carmi Macapagao.

Sa pahayag ng diyosesis, mariing iginiit na ang mga kinasuhan ay hindi mga kriminal kundi mga tagapangalaga ng kalikasan, tagapagtanggol ng buhay, at tinig ng mga walang tinig.

Ipinaglalaban ng mga lider at ng HEARD ang tinatawag na Area 12, isang lugar sa Homonhon na sagana sa likas na yaman at nagsisilbing mahalagang pinagkukunan ng malinis na tubig at biodiversity para sa mga pamayanan.

“We, the Church, have always stood with the poor, the marginalized, and those who defend God’s creation… Their unwavering defense of Area 12, which is not only rich in natural resources but also the lifeblood of the community’s clean water and biodiversity, is a true act of Christian stewardship,” ayon sa opisyal na pahayag ng Diyosesis ng Borongan.

Binigyang-diin ng diyosesis na ang isinampang kaso ay hindi lamang simpleng legal na usapin kundi isang usapin ng katarungan.

Dagdag pa ng pahayag, ang paggamit ng batas upang patahimikin ang mga tagapagtanggol ng kalikasan ay isang anyo ng malubhang kawalang-katarungan na dapat tutulan ng lahat ng may pananampalataya at malasakit sa kapwa.

“May justice prevail. May creation be respected. May courage continue to rise in the face of fear,” dagdag ng diyosesis.

Matatandaang una nang kinondena ni Borongan Bishop Crispin Varquez ang pagpapatuloy ng pagmimina sa Samar Island, at sa halip ay iminungkahi sa pamahalaan ang pagsusulong sa agri-ecological tourism.

Sa Laudato Si’, mariing tinututulan ng yumaong Papa Francisco ang industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala at paghihirap sa kalikasan at mga apektadong pamayanan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 5,037 total reads

 5,037 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 5,165 total reads

 5,165 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 10,157 total reads

 10,157 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 66,563 total reads

 66,563 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 190,065 total reads

 190,065 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 275,045 total reads

 275,045 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 174,888 total reads

 174,888 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top