PAHRA, pinapatama sa Korte Suprema ang ruling na unconstitutional ang impeachment case ni VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,057 total reads

Nakiisa ang Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) sa isinagawang kilos-protesta sa St. Joseph’s College, Quezon City, upang ipanawagan ang pagbabaligtad ng Korte Suprema sa naunang desisyon nito na idineklarang labag sa Konstitusyon ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay PAHRA Secretary-General Egay Cabalitan, buo ang paninindigan ng human rights group na hindi dapat isinantabi ang proseso ng pananagutan sa pamahalaan.

Ibinahagi ni Cabalitan na ang kinakailangan ng bansa ay mga opisyal o lider na may pananagutan at hindi nakakataas o binabalewala ang mga batas.

“Hindi kami papayag na basta na lang isantabi ang proseso ng pananagutan. The people deserve leaders who are accountable to the law, not above it.” Bahagi ng pahayag ni Cabalitan.

Nakibahagi rin ang iba’t ibang civil society groups kabilang na ang ilang mga lingkod ng Simbahan sa nasabing kilos-protesta na kapwa nananawagan para sa katarungan, katotohanan, at pananagutan.

Bahagi rin ng panawagan ng mga dumalo sa pagkilos ang aprubahan ng Korte Suprema ang Motion for Reconsideration upang muling buhayin ang impeachment laban sa bise presidente na inarchive ng Senado.

Muli namang tiniyak ng PAHRA ang patuloy na pakikiisa sa taumbayan upang isulong ang katotohanan, katarungan, at pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan.

“Ang mga iba’t ibang grupo, organisasyon, at maski mga lider ng simbahan ay nanawagan: Supreme Court, reverse the decision… Sasamahan namin ang taumbayan sa paniningil sa mga nakaupo at sa pagkubli nila sa katotohanan. Hindi kami titigil hangga’t hindi nananagot ang mga dapat managot,” Dagdag pa ni Cabalitan.

Matatandaang una ng kinundina ng ilang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang naging desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment complaint laban sa bise presidente na maituturing na pagtataksil sa taumbayan dahil sa pagkakait ng katarungang panlipunan kaugnay sa usapin ng katiwalian sa kaban ng bayan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 5,024 total reads

 5,024 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 5,152 total reads

 5,152 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 10,145 total reads

 10,145 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 66,551 total reads

 66,551 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 190,053 total reads

 190,053 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 275,033 total reads

 275,033 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top