Season of creation 2025, pinaghahandaan ng Diocese of Imus

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,576 total reads

Naghahanda na ang Diocese of Imus para sa pagdiriwang ng Season of Creation 2025 sa Setyembre.

Tema ng Panahon ng Paglikha ngayong taon ang “Peace with Creation” o “Kapayapaan kasama ang Sangnilikha” na paanyaya sa lahat upang pagnilayan ang tungkulin sa pangangalaga sa mga nilikha ng Diyos.

Sa liham-sirkular, hinimok ni Bishop Reynaldo Evangelista ang lahat ng parokya, paaralan, at pamayanan na magsagawa ng mga programang nakatuon sa pagsusulong ng pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

“I encourage all parishes, schools, institutions, and Christian communities to participate actively by initiating activities and programs that promote ecological awareness, sustainable practices, and environmental stewardship,” ayon kay Bishop Evangelista.

Pormal na sisimulan ng diyosesis ang isang buwang pagdiriwang sa August 30, 2025, sa Laudato Si’ Farm o SVD Farm sa Tagaytay City.

Tampok dito ang maikling prusisyon sa imahen ni San Francisco ng Assisi, ang patron ng sangnilikha, na susundan ng Banal na Misa na pangungunahan ni Bishop Evangelista.

Magkakaroon din ng Agahan para sa Kalikasan, pamamahagi ng Diocese of Imus Ministry on Ecology (DIMEC) materials and resources, at pagsusumite ng Parish Season of Creation Plans and Programs.

Inaasahan ding magbabahagi ng Keynote Address si University of the Philippines – Los Baños Assistant Professor Jonathan ‘Ethan’ Hernandez.

Ang Diyosesis ng Imus ang unang naglunsad ng Season of Creation sa Pilipinas noong 2009 sa pangunguna ng noo’y Obispo ng Imus, Cardinal Luis Antonio Tagle.

Mula noon, sinundan ito ng iba pang diyosesis sa bansa bilang pagkilala sa likas na yamang handog ng Diyos at bilang panawagan na pangalagaan ang ating nag-iisang tahanan.

Sa buong mundo, ipagdiriwang ang Season of Creation sa buong buwan ng Setyembre hanggang ikaapat ng Oktubre, kapistahan ni San Francisco ng Assisi ngunit, pinalawig ito sa Pilipinas hanggang sa ikalawang Linggo ng Oktubre bilang paggunita sa Indigenous People’s Sunday.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 5,029 total reads

 5,029 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 5,157 total reads

 5,157 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 10,149 total reads

 10,149 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 66,555 total reads

 66,555 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 190,057 total reads

 190,057 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 275,037 total reads

 275,037 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 174,887 total reads

 174,887 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top