Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cancer patients, inaanyayahan sa kapistahan ni San Ezekiel Moreno

SHARE THE TRUTH

 19,408 total views

Inaanyayahan ng Saint Ezekiel Moreno Novitiate–Recoletos (SEMONORE) ang mga mananampalataya, lalo na ang mga cancer patients at kanilang pamilya, sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Ezekiel Moreno sa Martes, August 19, 2025, sa SEMONORE, Nuestra Señora de la Paz Subdivision, Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City.

Pangungunahan ni Most Rev. Socrates B. Villegas, D.D., Archbishop of Lingayen–Dagupan at Brother General of the Order, ang Pontifical Mass sa ganap na 9:30 ng umaga na susundan ng public veneration of the relics ng santo.

The Saint Ezekiel Moreno Novitiate–Recoletos (SEMONORE) invites the faithful—especially cancer patients and their families—to the Feast of St. Ezekiel Moreno on Tuesday, August 19, 2025,” ayon sa opisyal na pahayag ng SEMONORE.

Nagsimula na ang Novena Masses noong August 10 at magtatapos sa August 18, kung saan isa sa mga naging tagapagdiwang si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

Hinihikayat ng SEMONORE ang publiko na makiisa sa mga nalalabing liturhiya at sama-samang idulog ang panalangin para sa mga may karamdaman, kanilang mga tagapangalaga, at mga medical frontliners.

“The community is encouraged to offer prayers for the sick, their caregivers, and medical frontliners through the intercession of St. Ezekiel,” dagdag pa ng grupo.

Si San Ezekiel Moreno ay isang misyonerong pari ng Order of Augustinian Recollects na isinilang noong April 9, 1848 sa Alfaro, La Rioja, Spain. Dumating siya sa Pilipinas noong 1870 at naglingkod sa Palawan, Mindoro, Cavite, at Batangas, kung saan nakilala siya sa kanyang malasakit sa mahihirap at sa mga maysakit.

Matapos ang kanyang misyon sa Pilipinas, ipinadala siya sa Colombia at hinirang na Obispo ng Pasto. Sa kabila ng kanyang pakikibaka sa sakit na cancer, nanatili siyang tapat sa paglilingkod hanggang sa kanyang pagpanaw noong Agosto 19, 1906.

Dahil dito, idineklara siya bilang patron ng mga may cancer at ganap na naging santo noong October 11, 1992 sa canonization rite na pinangunahan ni noo’y santo papa St. John Paul II.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tapang at malasakit sa gitna ng panganib

 3,378 total views

 3,378 total views Mga Kapanalig, dahil sa mahusay na pagmamaniobra ng Philippine Coast Guard (o PCG), nakaligtas ang kanilang barko sa muntikang banggaan ng mga barko

Read More »

BAN ON ONLINE GAMBLING

 58,991 total views

 58,991 total views Ipagbawal ang online gambling? Malabo., malayo pa ito sa katotohanan., hindi ito mangyayari! Sa kabila ng malakas na sigaw ng simbahan, mga mambabatas,

Read More »

IN AID OF SECRECY

 76,763 total views

 76,763 total views Sa kanyang ikaapat na SONA, nagalit ang pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang masaksihan sa mga evacuation center ang naglilimahid at nakakaawang sitwasyon ng

Read More »

CLIMATE INJUSTICE

 89,196 total views

 89,196 total views Kapanalig, ang climate injustice ay matagal ng pinapasan ng mga mahihirap na bansa katulad ng Pilipinas. Sa encyclical na “Laudato Si’, Ang sangkatauhan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top