Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

World day of the Poor, pinaghahandaan ng LASAC

SHARE THE TRUTH

 4,818 total views

Tiniyak ng Lipa Archdiocesan Social Action Center (LASAC) ang paghahanda para sa nalalapit na World Day of the Poor sa Nobyembre.

Ayon kay LASAC Executive Director Father Jayson Siapco, bilang paghahanda ay itutuon ang pagtugon sa krisis ng malnutrisyon at education poverty na pinapahirapan ang maraming kabataan sa Pilipinas.

Isinusulong din ng Arkidiyosesis ng Lipa ang pagkakaroon ng Conference o malawakang pagtitipon upang pag-usapan kasama ang mga stakeholders ang pagtugon sa malnutrisyon at pagkamangmang ng mga bata.

“Ito na ang ika-siyam na taon ng World Day of the Poor at sa ika-siyam na taon na pinagdiriwang ang World Day of the Poor sa Archdiocese of Lipa, so this year ang initial plan namin is to respond doon sa issue na high time ngayon in view of the result of the EDCOM 2 na research especifically on stunting and in the early child school development recently lang nagpalabas ang ating CBCP patungkol dito sa usaping ito, this was also presented sa kanila, kaya sa Archdiocese ng Lipa, ang isang malaking pinaplano namin aside from the Parish celebration on November 16, probably towards the end of November,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Siapco.

Ayon para sa Pari, ang pagtutuon ng pansin sa mga suliranin ay bahagi ng pinaigting na paglaban ng simbahan sa dalawang suliranin matapos umapela ang Catholic Bishops Conference of the Philippines sa pamahalaan na tugunan ang suliranin sa malnutrisyon na patuloy pading nararanasan ng madaming bata na naghahantong sa stunting o pagkabansot ng mga bata.

Bahagi rin ito ng kampanya na layuning paigtingin ang paghubog sa mga kabataan bilang maayos at huwarang mamamayan sa kanilang paglaki.

“Sabi nga namin nung nagkakaroon kami ng brainstorming, yung mga bata natin ngayon ay mayroong ganitong sitwasyon, nakakabasa pero hindi nakakaunawa, paano ang ating mga voters education pagdating ng panahon? paano ang ating gospel or gospel proclamation, maaring marunong silang bumasa pero hindi nila nauunawaan, maaring nagtuturo tayo ng voters education pero wala tayong nakikitang pagbabago kasi yung dapat na mayroon na simulan ng pagbabago para sa isipan ng mga mamamayan kulang at hindi natugunan.” ayon pa sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Siapco.

Ngayon taong, itinalaga ng Vatican ang ika-siyam na pagdiriwang ng World Day of the Poor sa temang “You are my hope”.

Binigyang-diin ni Pope Leo XIV sa kanyang mensahe para sa World Day of the Poor na ang tunay na pag-asa ay matatagpuan lamang sa Diyos at hindi sa yaman o kapangyarihan, habang ang mga mahihirap mismo ang nagiging saksi ng matatag na pananampalataya sa kabila ng kawalan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAN ON ONLINE GAMBLING

 49,495 total views

 49,495 total views Ipagbawal ang online gambling? Malabo., malayo pa ito sa katotohanan., hindi ito mangyayari! Sa kabila ng malakas na sigaw ng simbahan, mga mambabatas,

Read More »

IN AID OF SECRECY

 67,290 total views

 67,290 total views Sa kanyang ikaapat na SONA, nagalit ang pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang masaksihan sa mga evacuation center ang naglilimahid at nakakaawang sitwasyon ng

Read More »

CLIMATE INJUSTICE

 79,741 total views

 79,741 total views Kapanalig, ang climate injustice ay matagal ng pinapasan ng mga mahihirap na bansa katulad ng Pilipinas. Sa encyclical na “Laudato Si’, Ang sangkatauhan

Read More »

Promotor ng sugal

 95,691 total views

 95,691 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

OPNE, nagpapasalamat sa tagumpay ng PCNE 11

 18,544 total views

 18,544 total views Nagpapasalamat ang Office of the Promotion on New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila sa lahat ng Parokya, Donors, Benefactors, Volunteers at Partnered

Read More »

Senado, kinundena ng BIEN

 21,099 total views

 21,099 total views Kinundena ng BPO Industry Employees Network (BIEN) ang naging hakbang ng Senado na pigilan ang pagpapatuloy ng impeachment case laban kay Vice-president Sara

Read More »
Scroll to Top