Mambabatas, opisyal ng pamahalaan, contractors na sangkot sa katiwalian, parusahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,363 total reads

Muling umapela si University of the Philippines – Philippine General Hospital head chaplain, Fr. Marlito Ocon, SJ, para sa pananagutan ng mga opisyal at contractor sa kabiguang tugunan ang paulit-ulit na pagbaha sa Maynila.

Ito’y matapos muling malubog sa baha ang Taft Avenue, PGH grounds, at mismong PGH Chapel dulot ng ilang oras na pag-ulan dulot ng habagat at ng binabantayang Tropical Depression Isang.

Sa facebook post, inihayag ni Fr. Ocon ang pagkadismaya sa kasalukuyang kalagayan na hindi lamang nakaaabala, kundi nagdudulot na rin ng panganib, lalo na sa mga pasyenteng nagtutungo sa PGH.

“Where are the millions and billions of flood control projects? [Department of Public Works and Highways], nasaan na? Mga politikong kurakot, nasaan na? Sana maranasan din ninyo ito, ‘yung pasukin ang bahay n’yo ng tubig-baha. Mga contractors, concerned [government] officials, senators, congressmen, at iba pang opisyal mahiya naman kayo! Grabeng pahirap ang ginawa n’yo,” ayon kay Fr. Ocon.

Hinamon ng pari ang mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan na bigyang-katugunan ang matagal nang suliraning nagpapahirap sa mamamayan, at nanawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na tunay nawang papanagutin ang mga sangkot sa katiwalian kaugnay ng flood control projects.

“Sana may mapanagot at makulong na contractors, senador, at congressman para hindi lang hanggang list of erring contractors ang ipalabas, kundi list of convicted corrupt officials and contractors,” giit ni Fr. Ocon.

Dahil naman sa hanggang tuhod na baha sa paligid ng PGH, ipinagpaliban muna ng PGH Chaplaincy ang Banal na Misa kaninang alas-12:15 ng tanghali, para na rin sa kaligtasan ng publiko.

Batay sa ulat, nasa P545-bilyon ang inilaang budget ng pamahalaan para sa flood control projects, ngunit natuklasan sa pagsisiyasat ni Pangulong Marcos, na hindi ito ganap na nailalaan sa mga proyekto, at ang 20-porsyento ng nasabing budget ay napunta lamang sa bulsa ng nasa 15 contractors.

Nagbanta na rin ang pangulo na kakasuhan ng economic sabotage ang mga contractor at opisyal ng pamahalaan na mapapatunayang sangkot sa maanomalyang proyekto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 81,199 total reads

 81,199 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 115,644 total reads

 115,644 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 150,944 total reads

 150,944 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 377,213 total reads

 377,213 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 266,261 total reads

 266,261 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,215 total reads

 155,215 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top