PBBM, hinamong magtatag ng independent body sa maanomalyang flood control projects

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 52,352 total views

Nanawagan ang opisyal ng Caritas Novaliches sa pamahalaan na magtatag ng isang independent body na may sapat na kapangyarihan upang mangalap ng dokumento at ebidensiya kaugnay sa mga sinasabing anomalya sa mga flood control projects sa bansa na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong piso.

Ayon kay Fr. Joel Saballa, Deputy executive director ng Caritas Novaliches, magiging mas kapani-paniwala ang resulta ng imbestigasyon kung ito ay pangungunahan ng isang independent group.

“Mas magiging credible ang imbestigasyon kung magtatayo tayo ng independent body na may kapangyarihan na kumuha ng mga documents para malaman kung sino talaga ang pasimuno at nakinabang,” ayon sa pari.

Iginiit din ni Fr. Saballa na dapat pansamantalang bumitiw sa puwesto ang mga opisyal na nasasangkot sa alegasyon upang matiyak na hindi sila makakaimpluwensya sa proseso.
“We should be objective to this. Kailangan may makasuhan dito. Economic sabotage ito, hindi lang simpleng kurapsyon. Panahon na para panagutin sila,” dagdag pa niya.

Binatikos din ng pari ang mga mambabatas na sinasabing sangkot sa iregularidad at nanawagan ng mas mabigat na pananagutan. “Sana may managot na congressman at senador kung kinakailangan,” giit ni Fr. Saballa.

Binigyang-diin ng pari na ang laban kontra korapsyon ay hindi lamang usapin ng batas kundi usapin din ng moralidad at pananagutan sa taumbayan.

Samantala, una nang nagtatag ang Kamara ng Tri-Committee upang magsagawa ng imbestigasyon sa mga alegasyon ng anomalya sa flood control projects, kung saan nasasangkot ang ilang mambabatas.

Ang hakbang ay kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pinangalanan ang 15 pangunahing contractor na nakakuha ng pinakamaraming flood control projects sa bansa.

Kabilang dito ang Legacy Construction Corp.; Alpha & Omega General Contractor & Development Corp.; St. Timothy Construction Corp.; QM Builders; EGB Construction Corp.; Topnotch Catalyst Builders Inc.; Centerways Construction & Development Inc.; Sunwest Inc.; Hi-Tone Construction and Development Inc.; Triple 8 Construction & Development Corp.; Royal Crown Monarch Construction & Supplies Corp.; Wawao Builders; MG Samidan Construction; L.R. Tigqui Builders Inc.; at Road Edge Trading & Development Services.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 10,615 total views

 10,615 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 80,727 total views

 80,727 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 155,341 total views

 155,341 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 235,420 total views

 235,420 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 278,313 total views

 278,313 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top