Mamamayan, hinimok na tangkilikin ang Segunda Mana ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,524 total views

Inaanyayahan ng Segunda Mana Program ang mga Pilipino na higit na tangkilikin ang mga preloved item sa Segunda Mana Charity Outlets sa ibat-ibang bahagi ng Pilipinas.

Ito ang paanyaya ni Segunda Mana Program Head Ms.Josielou Salinas matapos ipatupad ang pinakamagandang pamamaraan sa pagtanggap ng preloved items na ibinabahagi at ipinapadala ng mga donors ng Social Arm ng Archdiocese of Manila.

Maari ng makapagbahagi ng preloved items ang mga donors sa pamamagitan ng paghulog sa mga pinakamalapit na Segi Boxes na matatagpuan sa piling pamilihan, parokya at himpilan ng Radyo Veritas sa Quezon City.

Kasunod ito ng pagkakaroon ng pick-up services para sa mga donors na magbabahagi ng madaming preloved items, pagdadala ng mga donasyon sa himpilan ng Caritas Manila at pakikiisa sa mga idadaos na Segunda Mana Donation Drives sa ibat-ibang bahagi Mega Manila o National Capital Region at mga karatig lalawigan.

“Real-time nating natatanggap yung mga donation, kasi pag sa charity outlet, sinasabay lang sa pag-pick-up, while kung ang options nila ay sa segi boxes na malapit sa kanila, halos araw-araw umiikot ang ating vehicles to pick up yung segi boxes, Pero at least yung routine ng ating pick-up, naiikot yung mga segi boxes, 5 days or 6 days gap kapag sa charity outlet, mas less and mas shortened yung time na makuha yung mga donation, mapick-up yung mga donation sa segi,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Salinas.

Bukod sa mga pangunahing benepisyaryo ng Segunda Mana Program na Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) scholars at mga pamilyang nasalanta ng kalamidad sa ilalim ng Caritas Damayan, natutulungan din ng programa ang libo-libong mga senior high school graduates, livelihood program beneficiaries, at ang pinakamahihirap na manggagawa upang magkaroon ng trabaho.

Kasunod ito ng pagsusulong ng Segunda Mana Program ng makakalikasang adbokasiya sa pamamagitan ng pagtanggap at pagbebenta ng mga preloved items na sa halip itapon, nagiging tulong sa mga iskolar at nangangailangan.

Isinasabuhay ng programa ang Reduce, Reuse, Recycle at wastong pagkonsumo upang mabawasan ang basura at mapangalagaan ang kapaligiran.

“Beyond fundraising Segunda Mana actually reflects the heart and soul of Caritas Manila advocacies. Kasi tatlo na yan, the triple bottom line of the organization: education, livelihood, and environment. Sana po ay suportahan tayo na ipagpatuloy na magtuloy-tuloy ang operasyon ng Segunda Mana. It’s been 18 years and counting. We continue expanding, reaching out to the people by doing donation drives sa malls, villages, condos, and government offices para mas mailapit sa kanila yung way ng pagtulong, hindi na sila mahihirapan kung paano ba magbigay, kasi we believe na maraming gustong tumulong, they just don’t know how, we’re just asking for approval and permits sa mga venue para mas malapit tayo sa public”
bahagi pa ng panayam ng Radyo Veritas kay Salinas.

Sa tala, umaabot sa isang libong scholars kada taon ang pinapaaral ng YSLEP na kada taon ay natutulungang makapagtapos ang higit sa isang libong scholars sa kolehiyo.

Habang bukod sa Archdiocese of Manila at mga karatig lalawigan ng National Capital Region ay nagpapadala rin ng tulong sa mga Diyosesis na aapela ng saklolo tuwing nararanasan ang oras ng sakuna.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 58,745 total views

 58,744 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 58,745 total views

 58,744 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 58,745 total views

 58,744 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 56,944 total views

 56,943 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 52,002 total views

 52,002 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top