Huwag magpasilaw sa pera, panawagan ni Bishop Pabillo sa mga mamamahayag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,463 total reads

Ipinapaalala ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mga mamamahayag na huwag papasilaw sa perang inaalok ng mga negosyante, pulitiko at may katungkulan sa pamahalaan higit na kung mula ito sa katiwalian.

Ito ang panawagan ni Bishop Pabillo sa mga balitang sangkot ang ilang mamamahayag sa pagtanggap ng pera kapalit ng paghahayag sa yaman ng mga hinihinalang sangkot sa korapsyon.

“Dito po sana malaki ang tulong sa atin ng mga mamamahayag, ng mga journalist kapag sila ay tapat sa panawagang ito na huwag silang magpagamit sa mga tao na nagnanakaw na maari silang bayaran,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Ikinatwiran ng Obispo na marami sa mga Pilipino ang pinapahirapan ng mga katiwalian na dapat sana ay ginamit sa pag-ahon ng mga mahihirap at pagresolba sa problema ng baha.

Ipinagdarasal ni Bishop Pabillo na maghari sa puso ng mga mamamahayag na gamitin ang kanilang propesyon upang ipakita sa publiko ang hirap na dinaranas ng mga Pilipino upang higit na mahimok ang pamahalaan na tugunan at isaayos ang pamumuhay ng mga Pilipinong maituturing na ‘Most Vulnerable Sector’ tuwing nakakaranas ng anumang uri ng sakuna ang Pilipinas.

“Sana maging matapang sila na sabihin ang katotohanan at ihayag ang mga pagnakakaw sa pamahalaan, kahit na sa pribadong sektor kaya nananawgan po tayo sa mga mamamahayag na sana maging kaanib natin sila sa panawagang huwag kang magnakaw!,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Pabillo.

Ayon sa datos ng United Nations (UN) at World Economic Forum (WEF), tinatayang umaabot sa 571-Billion Pesos o 10-Billion US Dolllars ang nawawala sa ekonomiya ng Pilipinas kada taon dahil sa illicit financial flows na kaugnay ng iba’t ibang uri ng katiwalian at korapsyon.

Habang ayon sa mga pag-aaral ng Asian Development Bank, isa hanggang dalawang porsyento ang nalulugi o nawawala sa dapat sana patuloy na paglago ng Gross Domestic Product Growth Rate ng Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 21,020 total reads

 21,020 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 58,557 total reads

 58,557 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,768 total reads

 76,768 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 161,096 total reads

 161,096 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 197,476 total reads

 197,476 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 20,084 total reads

 20,084 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top