Laganap na corruption sa Pilipinas, dulot ng hindi pagsasabuhay sa turo ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,413 total reads

Naniniwala si Cebu Archbishop-designate Alberto Uy na ang patuloy na paglawak ng korapsyon sa Pilipinas, na itinuring na isang ‘Christian nation,’ ay sanhi ng hindi pagsasabuhay ng mga turo ng Panginoon.

Ito ang mensahe ng arsobispo hinggil sa pagiging Kristiyano, subalit may mga nagiging bahagi pa rin ng malawakang katiwalian, lalo na ang mga naglilingkod sa bayan.

Iginiit ng arsobispo na sa kabila ng patuloy na pakikinig at pananalangin, hindi naman handa ang bawat isa para sa tunay na pagbabago. Marami ang nagpupuri kay Hesus sa mga simbahan, ngunit isinasantabi Siya sa kanilang pang-araw-araw na buhay, tulad ng pagsawalang-bahala sa mga sektor na higit na nangangailangan ng kalinga.

“There are so many corrupt officials in our Christian nation because too many of us admire the Word of God, but do not allow it to disturb and change us,” ayon kay Archbishop Uy.

Dismayado ang arsobispo sa katotohanang maraming tiwaling opisyal sa bansa ang mga Katoliko, na aktibong nakikilahok sa mga gawain ng simbahan, ngunit nangunguna rin sa mga isyu ng korapsyon. Ito ay dahil itinuturing na pribado lamang ang kanilang pananampalataya, kaya’t hindi isinasaalang-alang sa kanilang pampubliko at pang-araw-araw na buhay.

“True Christianity means integrity—being the same person in church and in public life,” ani ng arsobispo.

Binigyang-diin ni Archbishop Uy na ang pananampalatayang hindi nagdudulot ng pagbabago sa pagkatao ay hindi makapagbabago ng lipunan.

Sinabi ni Archbishop Uy na sa kabila ng mga pagsisikap ng mga pastol ng simbahan sa Pilipinas na mangaral laban sa iba’t ibang uri ng katiwalian, ay hindi pinakikinggan ang mga ito.
Maging ang mga institusyong nagsisiwalat ng korapsyon at fake news ay tinutuligsa, at nagiging biktima ng red-tagging.

“When we silence truth-tellers, we invite corruption to thrive,” giit ni Archbishop Uy.

Ayon sa 2024 Corruption Perceptions Index (CPI) ng Transparency International, nasa ika-114 na pwesto ang Pilipinas sa 180 mga bansang sinuri, kung saan nakakuha ng 33 puntos mula sa batayang 0 (highly corrupt) hanggang 100 (very clean).

Matatandaang ang Pilipinas ang tanging bansa sa Asya na mayorya ng populasyon ay Kristiyano, at pangatlo naman sa buong mundo na may pinakamaraming Katoliko, na aabot sa mahigit 80 milyong katao o 80 porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 19,565 total reads

 19,565 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 57,232 total reads

 57,232 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 75,443 total reads

 75,443 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 159,771 total reads

 159,771 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 196,215 total reads

 196,215 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,588 total reads

 2,588 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top