Paggalang, pagsasaayos, at pagtugon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,083 total reads

Ito ang hamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga mananampalataya bilang pakikiisa sa pandaigdigang pagdiriwang ng Season of Creation ngayong taon.

Binigyang-diin ni Bishop Santos ang temang “Peace with Creation” o Kapayapaan kasama ang Sangnilikha, kung saan hinihikayat ng Kanyang Kabanalan Papa Leon XIV ang lahat na pagnilayan ang wastong ugnayan at tungkuling iniatas ng Diyos sa tao bilang mga katiwala ng kalikasan.

Dagdag pa ng obispo, hindi dapat ituring ng tao ang kalikasan bilang pag-aari na maaaring abusuhin, kundi isang kaloob ng Diyos na dapat igalang at pangalagaan.

“It is a call to live in harmony with the world God has entrusted to our care. And it is a reminder that peace is not just the absence of conflict—it is the presence of justice, of balance, of love,” pahayag ni Bishop Santos sa kanyang pastoral statement.

Gayunman, iginiit din ni Bishop Santos na sugatan na ang mundo dahil sa mga mapaminsalang gawain ng tao na nagdudulot ng polusyon, pagkaubos ng kagubatan, climate change, at labis na paggamit ng likas na yaman—na higit na nagpapahirap sa mga maralita.

Bilang tugon, iminungkahi ng obispo ang three Rs bilang gabay tungo sa paggaling, katarungan, at pagpapakita ng pag-ibig para sa inang kalikasan.

Kabilang dito ang respect o paggalang bilang pagkilala sa kabanalan ng lahat ng nilalang ng Diyos; restore o pagsasaayos na hinihikayat ang pagtulong sa paghilom ng sugatang mundo sa pamamagitan ng pagtatanim, paglilinis, at pagbawas ng pinsala; at respond o pagtugon bilang pagkilos laban sa pagkasira ng kalikasan tulad ng pagbawas ng basura, pagtitipid ng enerhiya, at pagsusulong ng katarungan para sa kapaligiran.

Panawagan ni Bishop Santos sa lahat na maging tunay na tagapaghatid ng kapayapaan—hindi lamang sa tahanan at lipunan, kundi pati sa pakikitungo sa kalikasan.

“Season of Creation is not just a calendar event—it is a spiritual invitation… May our lives reflect the peace that Christ offers—a peace that flows through creation, through justice, and through love,” ayon kay Bishop Santos.

Itinatag ng yumaong Papa Francisco ang World Day of Prayer for the Care of Creation noong 2015, na hudyat ng pagsisimula ng Season of Creation na ipinagdiriwang mula unang araw ng Setyembre hanggang ikaapat ng Oktubre, kapistahan ni San Franciso ng Assisi–ang patron ng kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 105,312 total reads

 105,312 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 142,098 total reads

 142,098 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 172,673 total reads

 172,673 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 221,175 total reads

 221,175 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 282,762 total reads

 282,762 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 55,024 total reads

 55,024 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top