Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects, sinimulan sa Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,148 total views

Sinimulan ng House Infrastructure Committee sa pamumuno ni Chairman Terry Ridon ang pagdinig sa mga maanomalyang proyekto ng flood control.

Layon nitong tugunan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na imbestigahan ang mga ghost, substandard, at overpriced projects.

Isa sa mga tinukoy ay ang P55-milyong ghost project sa Baliuag, Bulacan na dapat sana’y river wall, ngunit walang aktwal na nagawa.

“The threshold for plunder is fifty million pesos. This project is 55 million pesos. Plunder charges should be filed against all involved personalities in the soonest time,” ayon kay Ridon.

Kabilang din sa iimbestigahan ang mga substandard projects sa Calumpit, Bulacan na personal na nakita ng Pangulo na may sirang konkretong bahagi at nakalantad na kable.

Idinagdag ni Ridon na bibigyang pansin din ang mga undercapitalized firms na nakakakuha ng malalaking kontrata at iba pang proyektong binanggit ng Pangulo tulad ng sa Isabela at Benguet.

Giit ni Ridon, “Hindi mahalaga kung sinuman ang sangkot sa mga proyekto, kung mataas na opisyal man ng gobyerno yan, kontratista man yan, o kongresista o senador man yan, kung ghost, substandard o overpriced ang proyekto, sisiyasatin ng komite yan.”

Dagdag pa niya, layunin ng imbestigasyon na magsagawa ng reporma, kabilang ang pagbablacklist sa mga sablay na kontratista at paglahok ng pribadong sektor sa inspeksyon.

Giit ni Ridon: “Layunin nating patunayan sa bayan na mas marami pa ring mga opisyal at kawani ng gobyernong matapang, magaling, masipag, matibay at mabuti.”

Iminungkahi naman ni Las Pinas Rep. Mark Anthony Santos sa joint panel na mag-inhibit ang mga miyembro ng Kamara na may ‘conflict of interest’ kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon sa mga sinasabing maanomalyang flood control projects ng DPWH.

Kabilang sa mga dumalo sa pagdinig si dating DPWH Sec. Manuel Bonoan at ilan pang opisyal kasama na ang mga regional at district director ng tanggapan, mga contractor na una ng pinangalanan ni Pangulong Marcos Jr.

Hindi naman dumalo sa pagdinig ang mag-asawang Sara at Pacifico Discaya-ang may ari ng Apha and Omega at St. Timothy General Contractor Company.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 14,130 total views

 14,130 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 81,618 total views

 81,618 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 102,683 total views

 102,683 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 125,340 total views

 125,340 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 162,024 total views

 162,024 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top