Bishop Pabillo, pinuri ng Franciscan missionary

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,187 total views

Inihayag ng Franciscan missionary sa Culion, Palawan, na isang magandang pagkakataon ang ginawang pastoral visit ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mga malalayong isla na sakop ng bikaryato.

Ayon kay Fr. Andrew Litigio, OFM, ang pagdalaw ng obispo sa lugar ay naging daan upang makita ang tunay na kalagayan ng mamamayan at matulungan na maipaabot sa mga lider ng pamahalaan ang kanilang mga hinaing.

“Maraming implications itong pagdalaw ni Bishop Pabillo. Hindi man naririnig ng mga namumuno sa ating gobyerno ang hinaing ng mga mamamayan sa remote areas, pero sa pagbisita ni Bishop, nagkaroon ng pagkakataon ang mga tao na maidulog ang kanilang pangangailangan at napapakinggan ito ni Bishop, lalo na ang mga pangunahing pangangailangan,” pahayag ni Fr. Litigio sa Radyo Veritas.

Tinukoy ng pari ang kawalan ng maayos na daanan at mga tulay bilang ilan sa mga pangunahing pangangailangan ng komunidad upang mapabilis ang daloy ng ekonomiya, partikular ang pagdadala ng kanilang mga produkto sa mga pamilihan.

Ayon kay Fr. Litigio, sa pagbisita ni Bishop Pabillo, personal niyang nakita ang mga aspeto na kailangang tutukan upang matulungan ang mga mamamayan at maiparating ang mga ito sa mga lider ng bansa.

Gayundin, ang mga kapilya sa mga mission areas ay mahalagang ayusin, dahil ito ay nagsisilbing kanlungan sa mga pagdiriwang ng sakramento at sa tuwing may kalamidad.

Dagdag pa ni Fr. Litigio, “Ito rin ay pagsasabuhay sa diwa ng Synodality—magkaisang maglakbay bilang simbahan.”

“Ito ay bunga ng spirit ng Synod on Synodality at mga previous na panawagan ni Pope Francis na ‘go to the peripheries.’ Ang totoong misyon ng simbahan ay puntahan ang mga remote areas at ang mga nasa laylayan.” dagdag ni Fr. Litigio.

Ipinamalas din ni Bishop Pabillo sa kanyang pagbisita ang paggamit ng kanyang “baculo” (pastoral staff), lalo na sa pagtawid sa mga ilog at bilang pantungkod sa pagdalaw sa mga remote areas ng Northern Palawan.

“Ang paggamit ni Bishop Pabillo ng kanyang ‘pastoral staff’ ay hindi lamang ceremonial kundi experiential; ang layunin nito ay magbigay-alalay sa pagpunta, pagbisita, at pangangalaga sa nasasakupang kawan,” ani Fr. Litigio.

Ang San Isidro Mission Station sa Cagait, Culion, Palawan, ay pinamumunuan ng Order of Friar Minors at may limang nasasakupang lugar sa magkakahiwalay na mga isla, na tinatayang may higit 2,000 populasyon.

Mula nang maitalaga si Bishop Pabillo sa bikaryato ng Northern Palawan noong 2021, aktibo ito sa pagsasagawa ng pastoral visits sa mga nasasakupang lugar, kabilang na ang mga mission stations sa malalayong kanayunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 174,403 total views

 174,403 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 152,036 total views

 152,036 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 216,172 total views

 216,172 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 235,892 total views

 235,892 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Lights! Camera! Action?

 155,675 total views

 155,675 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top