Mamamayan, hinimok ng Obispo na magsuot ng puti bilang paninindigan laban sa katiwalian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,188 total reads

Nanawagan si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao sa mamamayan na magsuot ng puti bilang simbolo ng pagkakaisa at paninindigan para sa malinis at tapat na pamahalaan kasabay ng paggunita sa ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar sa September 21, 2025.

Ayon kay Bishop Mangalinao, ang pagsusuot ng puti sa mga Banal na Misa sa darating na Sabado at Linggo ay tanda ng pagkakaisa laban sa katiwalian at pagsasamantala sa yaman ng bayan.

“Let us be bold in expressing our common disgust against plunderers of our Nation,” pahayag ni Bishop Mangalinao.

Bukod dito, hinikayat din ng obispo ang mamamayan na makiisa sa mga isasagawang pagtitipon at kilos-protesta tulad ng “Trillion Peso March” sa EDSA People Power Monument sa Quezon City at “Baha sa Luneta” sa Luneta Park, Manila City upang ipanawagan ang pananagutan sa pamahalaan.

Binigyang-diin ni Bishop Mangalinao na kailangan ang sama-samang pagkilos ng mamamayan upang igiit ang pananagutan, malinaw at tapat na pamamahala, at makatarungang pagkilos mula sa mga halal na opisyal.

“With faith, hope, and charity, let us demand for a country where governance is transparent; leaders are accountable; and justice is served,” ayon kay Bishop Mangalinao.

Una nang inihayag ng Church Leaders Council for National Transformation—na mangunguna sa Trillion Peso March sa EDSA—na ang layunin ng nasabing pagkilos ay ipanawagan ang pananagutan sa talamak na katiwalian sa pamahalaan, partikular na ang bilyon-bilyong pisong nasayang dahil sa maanomalya at kontrobersiyal na flood-control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kinasasangkutan ng ilang opisyal at contractors.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,328 total reads

 50,328 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,989 total reads

 129,989 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,436 total reads

 163,436 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,734 total reads

 198,734 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,270 total reads

 423,270 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,954 total reads

 156,954 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top