CBCP-ECMI, nanawagan sa mamamayan na labanan ang corruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,611 total reads

Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (ECMI) ang paglala ng korapsyon sa Pilipinas na bukod sa pamahalaan ay naging bahagi na nang pang araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
Ayon kay CBCP-ECMI Executive Secretary Father Roger Manalo, CS, ang korapsyon ay pagnanakaw sa oportnunidad na makapamuhay ng marangal, may dignidad ang mga Pilipino at nagsusulong ng kawalang katarungan.
“As leaders serving migrants, we stress that corruption is not only a legal or political issue. It is also a social, moral and spiritual sickness. The Bible says: “Better to be poor and honest than rich and dishonest.” (Proverbs 19:1). Corruption dishonors human dignity, promotes injustice, contradicts Gospel values and Filipino values and insults the sacrifices of our OFWs who endure hardship abroad for their families and for the nation,” ayon sa mensahe ni Father Manalo na pinadala sa Radyo Veritas.
Binigyang-diin ni Fr.Manalo ang nagkakaisang paglaban sa korapsyon upang mabigyang pag-asa ang mga mahihirap na Pilipino lalu na ang mga Overseas Filipino Worker na nagtitiis mapalayo sa pamilya upang matugunan ang kanilang pangangailangan.
Sinabi ng opisyal ng CBCP-ECMI na pag-asa ang mabisang panlaban sa katiwalian at ito ang nagbibigay lakas sa mamamayan na manindigan para masawa ang laganap na korapsyon sa bansa.
“Hope is also the answer to eradicate corruption. Where corruption spreads despair, hope restores courage. Where dishonesty weakens trust, hope builds solidarity. Where greed destroys lives, hope inspires honesty, justice, and compassion. To live in hope means to believe that change is possible, and to act with integrity for the good of all,” bahagi pa ng mensaheng pinadala ni Fr.Manalo sa Radyo Veritas.

Ayon sa United Nations at World Economic Forum, umaabot sa ₱571 bilyon o $10 bilyon ang nawawala sa ekonomiya ng Pilipinas taun-taon dahil sa illicit financial flows dulot ng katiwalian at korapsyon.
Dahil sa corruption, nababawasan ng 2-porsiyento ang paglago ng Gross Domestic Product o GDP ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 21,138 total reads

 21,138 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 58,645 total reads

 58,645 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,856 total reads

 76,856 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 161,184 total reads

 161,184 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 197,561 total reads

 197,561 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 20,089 total reads

 20,089 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »
Scroll to Top