CBCP, inaanyayahan ang sambayanang Pilipino na makiisa sa kilos-protesta kontra corruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,372 total reads

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang sambayanang Pilipino na makiisa sa “Trillion Peso March” o Araw ng Panalangin at Pananagutan na gaganapin bukas, Linggo, September 21, 2025, sa ganap na alas-2 ng hapon sa EDSA People Power Monument sa Quezon City.

Ayon kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, ang pagkilos na ito ay hindi usaping pulitikal kundi isang moral na paninindigan laban sa katiwaliang patuloy na sumisira sa dangal ng tao at kinabukasan ng bansa.

Hinikayat din ng mga obispo ang mga nasa labas ng Metro Manila na makiisa sa mga prayer rally na inorganisa ng kani-kanilang diyosesis, parokya, Catholic schools, at iba pang faith-based at civic groups.

“Isang pagkilos ng pananampalataya at pagkakaisa laban sa kultura ng katiwalian na patuloy na nananakaw ng dangal ng tao, nagpapalubog sa mahihirap, at sumisira sa kinabukasan ng ating bansa,” pahayag ni Cardinal David.

Binigyang-diin ng CBCP ang kahalagahan ng integridad at pananagutan sa pamumuno, wastong paghubog sa mga kabataan na mahalin ang katotohanan, at mariing pagtutol sa patronage politics at pandarambong.

Nanawagan din ang mga obispo ng suporta para sa malinis na pamahalaan, transparency sa mga kontrata at proyekto, at agarang imbestigasyon laban sa mga anomalya.

Iginiit ni Cardinal David na ang katiwalian ay hindi lamang usapin ng perang ninanakaw kundi isang banta sa mga tahanang laging binabaha, kalikasang patuloy na sinisira, at mga oportunidad na nasasayang para sa kabataan ng susunod na henerasyon.

Hinamon ng kardinal ang mga mambabatas at tagausig na pabilisin ang imbestigasyon, maglatag ng kongkretong solusyon, at iwasan ang anumang delaying tactics upang hindi muling maisantabi ang usapin.

Kasabay nito, hinimok din ng pangulo ng CBCP ang lahat na talikuran ang kayabangan at kasakiman, at sa halip ay piliin ang pagbabalik-loob, katarungan, at pagkakaisa.

“Manindigan tayo para sa katotohanan, katarungan, at pagbabago… Sama-sama tayong bumuo ng isang bansang tapat, makatarungan, at tunay na makatao,” saad ni Cardinal David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 16,728 total reads

 16,728 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 54,593 total reads

 54,593 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 72,803 total reads

 72,803 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 157,132 total reads

 157,132 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 193,722 total reads

 193,722 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,245 total reads

 80,245 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top