Patuloy na pagkilos laban sa katiwalian, panawagan ni Bishop Bagaforo sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,705 total views

Nanawagan si Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ng patuloy na pagkakaisa at sama-samang pagkilos ng mamamayan laban sa lumalalang katiwalian sa bansa.

Sa mensahe sa Radyo Veritas ni Bishop Bagaforo na isa ring convenor ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) na nag-organisa sa naganap na Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument, ay binigyang-diin ng Obispo na mahalaga ang sama-samang pagtindig ng taumbayan para sa pagbabago at pagpuksa sa katiwalian na maituturing na “salot ng lipunan.”

Ayon kay Bishop Bagaforo, dapat na manatili ang pag-asa sa puso ng bawat isa na magkaroon ng kaliwanagan ang puso at isip ng mga lingkod bayan laban sa sistematikong korapsyon at para sa mabuting pamamahala sa bansa.

“Ang pag-asa natin ay of course ang ating mga kabataan, ang pag-asa natin ay sana magkaroon ng enlightenment ang ating mga leaders pero ang higit sa lahat ang pag-asa natin ay kung tayo ay sama-samang kikilos, magkaisa para sa pagbabago at para mapuksa at mawala na itong corruption na salot ng ating lipunan.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Ayon sa CLCNT, layunin ng naganap na Trillion Peso March na manawagan ng pananagutan, katarungan, at katapatan mula sa mga namumuno sa pamahalaan, at palakasin ang tinig ng bayan laban sa kultura ng katiwalian at kawalan ng pananagutan.

Batay sa inisyal na pagtataya, umabot sa humigit kumulang 30,000 ang nakibahagi sa naganap na Trillion Peso March bukod pa sa iba’t ibang mga pagkilos na isinagawa sa iba’t ibang diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa bilang pakikiisa sa National Day of Protest Against Corruption noong Linggo ika-21 ng Setyembre, 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 36,859 total views

 36,859 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 60,011 total views

 60,011 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 130,125 total views

 130,125 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 204,739 total views

 204,739 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 282,119 total views

 282,119 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 5,899 total views

 5,899 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top