Hindi kayo ang may-ari ng kayamanan ng bayan, paalala ni Cardinal Tagle sa mga lider ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,627 total reads

Hinimok ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization, ang mga Pilipino na manatiling nagkakaisa sa panalangin para sa kapayapaan at pagkakasundo ng bansa.

Sa misa sa Our Lady of the Assumption Parish sa Malate noong Setyembre 21, nanawagan si Cardinal Tagle sa mga mananampalataya na kumapit sa Panginoon upang matagpuan ang pag-asa at manaig ang kabutihan sa lipunan.

Kasabay nito, ipinagdiwang din ang pagbabasbas sa bagong sacristy at carillon bells ng parokya.

“Ito ay araw ng pagtitipon sa pananalangin upang humingi ng lakas sa Diyos upang ang ating mga pinuno at tayong lahat ay maging mapagkakatiwalaang katiwala,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Ang kanyang pagninilay ay nakabatay sa Ebanghelyo ni San Lukas (16:1–13) na tumatalakay sa wastong pagiging katiwala ng mga biyaya ng Diyos.

Ipinaalala rin niya sa mga pinuno ng bayan na ang yaman ng bansa ay hindi nila pag-aari.

“Sa ating mga leaders, hindi po kayo ang may-ari ng kayamanan ng bayan. Kayo ay katiwala lamang,” giit ng kardinal.

Kasabay ng misa, ginunita ng bansa ang ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar, na sinabayan ng malawakang kilos-protesta sa EDSA Shrine at People Power Monument upang ipanawagan ang katarungan at pananagutan ng mga tiwaling opisyal.

Para naman kay Fr. Hans Magdurulang, kura paroko ng Our Lady of the Assumption, napapanahon ang pagbabasbas ng mga bagong pasilidad.

“Sa gitna ng ingay ng mga hindi magagandang pangyayari sa ating bayan, dumating ang biyaya mula sa Diyos—ang sacristy kung saan inihahanda ang mga sakramento, at ang carillon bell, indeed the voice, the sound of God’s peace and justice na nag-aanyaya sa sambayanan tungo sa kapayapaan,” aniya.

Bahagi rin ito ng pagdiriwang ng parokya para sa ika-75 anibersaryo ng dogma ng Pag-aakyat kay Maria sa Langit, at paghahanda sa ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng parokya sa susunod na taon.

Dagdag pa ni Fr. Magdurulang, nawa’y ang bawat Kristiyano ay isabuhay ang mensahe ng Mahal na Ina.

“Huwag nating sayangin ang pagkakataon ng buhay natin dito sa mundo. Magagawa pa nating itama ang mali at pagtulung-tulungan na gawing mabuti ang anumang masamang nangyayari sa ating bayan,” paalala ng pari.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 91,586 total reads

 91,586 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 168,819 total reads

 168,819 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 202,267 total reads

 202,267 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 237,566 total reads

 237,566 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 460,522 total reads

 460,522 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top