Katekista, kinilala ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,344 total views

Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang malaking papel ng mga katekista, hindi lamang sa simbahan kundi sa paghuhubog ng mamamayan bilang mabubuting kasapi ng lipunan.

Ayon sa obispo, lalo pang nagiging mahalaga ang kanilang misyon sa harap ng mga hamon na kinakaharap ng bansa, partikular na ang malawakang katiwalian at kawalan ng tiwala sa mga institusyong panlipunan.

“You are not only catechists; you are builders of integrity, sowers of righteousness, and defenders of truth. In these times, when our beloved nation faces trials that have shaken our trust in public institutions, your mission becomes even more vital. The moral compass of our society must be recalibrated, and it begins with the formation of conscience,” ayon sa pahayag ni Bishop Santos.

Ipagdiriwang ng diyosesis ang Diocesan Jubilee for Catechists sa Setyembre 27 sa Virgen del Pilar School, Burgos, Montalban, Rizal.
Ito ay kasabay ng paggunita ng buong bansa sa National Catechetical Month gayundin ang kapistahan ni San Lorenzo Ruiz, isang katekista at martir ng simbahan sa September 28.

Binigyang-diin ng obispo na ang mga kabataan na ipinagkatiwala sa mga katekista ay hindi lamang basta mga estudyante kundi mga magiging pinuno at lingkod ng hinaharap.

“In your hands rest the seeds of tomorrow. The children and youth entrusted to your care are not merely students—they are the future stewards of our faith, the next generation of leaders, servants, and saints,” dagdag ng obispo.

Hinimok din ni Bishop Santos ang mga katekista na maging tapat na saksi ng ebanghelyo sa kanilang pamumuhay at pagtuturo.

“You are the quiet yet powerful pillars of our Church, shaping minds and hearts with the light of Christ,” saad ng obispo.
Tema ng National Catechetical Month ngayong taon ang “Ambassadors of Hope: Witnessing Faith, Inspiring Love, and Transforming Lives in the Changing World.”

Batay sa datos ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Commission on Evangelization and Catechesis katuwang ang National Catechetical Studies, tinatayang nasa 50,000 katekista sa bansa ang katuwang ng simbahan sa pagpapalalim ng pananampalataya at paghubog ng moralidad ng mahigit 80 milyong Katoliko sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 76,974 total views

 76,974 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 94,874 total views

 94,874 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 141,440 total views

 141,440 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 128,480 total views

 128,480 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 144,197 total views

 144,197 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top