Caritas Imus, nakaalerto sa epekto ng bagyong Opong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,979 total reads

Nakaalerto ang Caritas Imus sa posibleng epekto ng Bagyong Opong sa Cavite, matapos iulat na mahigit 25,000 pamilya ang nasa panganib.
Ayon kay Jerel Tabong, Humanitarian Response Coordinator ng Caritas Imus, halos buong lalawigan ang kanilang binabantayan dahil sa malawak na epekto na maaaring idulot ng Bagyong Opong.

Batay sa pre-disaster needs assessment ng Cavite Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), tinatayang nasa 25,574 pamilya ang posibleng maapektuhan sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Cavite.

Kabilang sa mahigpit na binabantayan ng Caritas Imus ang coastal areas at flood-prone communities na madalas unang makaranas ng pagbaha at malalakas na hangin tuwing may bagyo.

“Mayroon na kaming na-monitor na activate ng preemptive evacuation gaya ng Ternate at Naic. On-going pa po ang data collection namin,” pahayag ni Tabong sa panayam ng Radyo Veritas.

Dagdag pa ni Tabong, hindi lamang ang mga potensyal na lugar ng evacuation ang kanilang tinututukan kundi maging ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang parokya, barangay, at local government units upang matiyak na may sapat na paghahanda at mabilis na pagtugon kung kinakailangan.

Binibigyang-pansin din ng Caritas Imus ang kalagayan ng mga pinaka-mahihirap na pamilya at mga sektor na madaling maapektuhan ng kalamidad, tulad ng mga mangingisda, magsasaka, at mga nakatira sa tabing-dagat at tabing-ilog.

Bagama’t wala pang binubuksang simbahan bilang evacuation center, tiniyak ng Caritas Imus na handang ipagamit ng mga parokya ang mga pasilidad sakaling hilingin ng LGUs

“Wala pa po sa ngayong [binuksang simbahan], pero just in case na kailanganin ng LGU ay aming bubuksan,” ayon kay Tabong.

Batay sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), kasalukuyan nang nasa Mindoro Strait ang Bagyong Opong taglay ang lakas ng hanging aabot sa 110 km/h, at pagbugsong aabot sa 150 km/h, habang kumikilos pa-kanluran sa bilis na 35 km/h.

Nakataas naman ang Signal No. 2 sa lalawigan ng Cavite , habang Signal No. 1 naman sa Metro Manila.

Patuloy na kikilos ang bagyo patungong West Philippine Sea ngayong gabi at lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng hapon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 91,136 total reads

 91,136 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 185,166 total reads

 185,166 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 229,434 total reads

 229,434 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 252,543 total reads

 252,543 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 323,550 total reads

 323,550 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 147,248 total reads

 147,248 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top