Pagmalasakitan ang mga dukha, paanyaya ng arsobispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,155 total reads

Binigyang diin ni incoming Cebu Archbishop Alberto Uy na ang krus ang tunay na sagisag ng pagiging kristiyano, lalo na sa pagninilay sa buhay ni San Vicente de Paul, na kilala sa kanyang malasakit sa mga dukha.

Ayon sa arsobispo, nakikita ni San Vicente de Paul ang mukha ni Hesus sa mga dukha, kaya’t hindi lamang siya humanga kay Hesus, kundi isinabuhay ang mga halimbawa ni Kristo sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga may karamdaman at mga inaabandona sa lipunan.

“The Cross is the center. Jesus reminds us that the heart of Christianity is not just miracles but the Cross. The Cross is love in action. It is sacrifice for others,” ayon sa pagninilay ni Archbishop Uy.

Ipinakita ni San Vicente de Paul ang tunay na diwa ng pagiging Kristiyano, hindi lamang sa pagninilay, kundi sa aktuwal na paglilingkod sa mga mahihirap at nangangailangan. Kaya’t tinagurian siya bilang patron ng mga gawaing kawanggawa.

Batid ni Archbishop Uy na hindi madali ang pagsunod kay Hesus, sapagkat ang pagbabata ng krus ay mabigat, subalit ito ang tunay na daan ng pag-ibig at walang hanggang kaligayahan.

Sa harap ng mga hamon ng kasalukuyang kalagayan ng bansa, kung saan marami ang nahihirapan dulot ng iba’t ibang suliranin, hamon ng arsobispo sa bawat isa na tularan ang mga halimbawa ni San Vicente de Paul.

“When we help a poor family, we carry the Cross with Jesus. When we show patience to someone difficult, we carry the Cross. When we choose honesty instead of corruption, even if it costs us, we carry the Cross,” dagdag ng arsobispo.

Dalangin ng arsobispo na nawa’y matularan ng mamamayan ang mga halimbawa ng santo na may malasakit sa kapwa.

“Lord, teach us to see You in the poor, and give us generous hearts to serve them. Like the disciples, we may not always understand the mystery of the Cross. But like St. Vincent, we can live it—through concrete acts of love,” giit ni Archbishop Uy.

Noong 2023, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, nasa 15.5 percent ng mga Pilipino, o katumbas ng 17 milyong indibidwal, ang nakararanas ng kahirapan.

Sa kabila nito, patuloy ang hamon ng arsobispo sa bawat isa na ipamalas ang pagmamahal kay Hesus sa pamamagitan ng pagpapakita ng malasakit sa mga dukha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 10,873 total reads

 10,873 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 98,353 total reads

 98,353 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 145,093 total reads

 145,093 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 192,965 total reads

 192,965 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 296,557 total reads

 296,557 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top