Santo Papa, ipinagdarasal ang mga biktima ng bagyo sa Pilipinas, iba pang bahagi ng Asya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,605 total reads

Nanawagan ang Kaniyang Kabanalan Papa Leon XIV ng panalangin para sa mga naapektuhan ng malakas na bagyong tumama sa Pilipinas, Taiwan, Hong Kong, Vietnam, at ilang bahagi ng China.

Sa pagtatapos ng Misa para sa Jubilee of Catechists sa St. Peter’s Square, bago ang pagdarasal ng Angelus, iniabot ng Santo Papa ang kanyang pakikiisa sa mga mamamayan ng Asya na labis na sinalanta ng bagyo.

Kabilang sa tinukoy ni Pope Leo ang Pilipinas, Taiwan, Hong Kong, rehiyon ng Guangdong sa China, at Vietnam na lubhang naapektuhan ng matinding sama ng panahon.

Ipinapaabot ng Santo Papa ang kanyang panalangin at malasakit sa mga pamilya ng mga nasawi, mga nawawala, at milyun-milyong napilitang lumikas, gayundin sa mga nawalan ng tahanan at kabuhayan. Nagpahayag din siya ng suporta sa mga rescuer at sa mga lokal na awtoridad na patuloy na nagsasagawa ng pagtulong.

“I assure the affected populations,” the Pope continued, “especially the poorest, of my closeness and my prayers for the victims, the missing, the many displaced families, the countless people who have suffered hardship, as well as the rescue workers and civil authorities,” ayon sa pahayag ni Pope Leo.

Dagdag pa ng Santo Papa, “I invite everyone to put their trust in God and to show solidarity with others. May the Lord give strength and courage to overcome every adversity.”

Hinimok ng Papa ang lahat na magtiwala sa Diyos at magpakita ng pagkakaisa at malasakit sa kapwa at ang dalangin na pagkalooban ng Panginoon ng lakas at tapang ang lahat upang malampasan ang mabibigat na pagsubok.

Batay sa mga ulat, sa Pilipinas, hindi bababa sa 25 ang nasawi, habang 14 naman ang naiulat na namatay sa Taiwan.

Ang bagyo na may international name na Ragasa—ang pinakamalakas na bagyo ngayong taon habang inaasahan ding may apat na bagyo ang papasok sa Philippine area of Responsibility sa buwan ng Oktubre.

Una na ring nagsagawa ng second collection ang ilang mga diyosesis sa Bicol Region na nakatuon sa pagtulong sa mga naapekturan ng magkakasunod na sama ng panahon-kung saan pinakamatinding nasalanta ay ang lalawigan ng Masbate.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 75,872 total reads

 75,872 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,714 total reads

 110,714 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 146,014 total reads

 146,014 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,283 total reads

 372,283 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 261,557 total reads

 261,557 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 12,328 total reads

 12,328 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top