St. John Henry Newman, kinilala ni Pope Leo XIV bilang Doctor of the Church

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,178 total reads

Vatican-Inanunsyo ni Pope Leo XIV ang pagkilala kay St. John Henry Newman bilang Doctor of the Church sa gaganaping pagdiriwang sa darating na Nobyembre 1, kasabay ng Kapistahan ng Lahat ng mga Santo.

Ayon sa Santo Papa, si St. John Newman ay nagbigay ng malaking ambag sa pagpapalago ng teolohiya at sa mas malalim na pag-unawa sa doktrinang Kristiyano, lalo na sa konteksto ng Jubilee ng sektor ng edukasyon.

“I will confer the title of doctor of the Church on St. John Henry Newman, who gave a decisive contribution to the renewal of theology and to understanding Christian doctrine in its development, in the context of the Jubilee of the world of education,” ayon sa pahayag ni Pope Leo XIV sa misa ginanap para sa Jubilee of Catechists sa St. Peter’s Square.

Sa proklamasyong ito, ang banal ay ang magiging ika-38 na Pantas ng Simbahan, kabilang sa piling pangkat ng mga santo na kinilala dahil sa kanilang pangmatagalang kontribusyon sa teolohiya at espiritualidad ng Simbahang Katolika.

Kinikilala siya para sa kanyang mga pananaw hinggil sa pag-unlad ng doktrina at sa gampanin ng konsensya.

Si St. Newman, isang teologong Ingles noong ika-19 na siglo, ay unang nakilala bilang paring Anglikano bago pumasok sa Simbahang Katolika noong 1845 sa gabay ni Beato Dominic Barberi.

Pagkaraan ng dalawang taon, naordinahan siyang paring Katoliko at itinatag ang Oratory of St. Philip Neri sa Inglatera. Noong 1879, siya ay ginawang kardinal ni Pope Leo XIII.

Kabilang sa mga kilala at pangunahing Pantas ng Simbahan ay sina San Agustin ng Hipona (St. Augustine of Hippo), Santo Tomas de Aquino (St. Thomas Aquinas) at ang kauna-unahang babaeng pantas na si Santa Teresa ng Ávila (St. Teresa of Avila).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 75,881 total reads

 75,881 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,723 total reads

 110,723 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 146,023 total reads

 146,023 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,292 total reads

 372,292 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 261,565 total reads

 261,565 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 12,330 total reads

 12,330 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top