Santo Papa, ipinagdarasal ang mga biktima ng bagyo sa Pilipinas, iba pang bahagi ng Asya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,478 total reads

Nanawagan ang Kaniyang Kabanalan Papa Leon XIV ng panalangin para sa mga naapektuhan ng malakas na bagyong tumama sa Pilipinas, Taiwan, Hong Kong, Vietnam, at ilang bahagi ng China.

Sa pagtatapos ng Misa para sa Jubilee of Catechists sa St. Peter’s Square, bago ang pagdarasal ng Angelus, iniabot ng Santo Papa ang kanyang pakikiisa sa mga mamamayan ng Asya na labis na sinalanta ng bagyo.

Kabilang sa tinukoy ni Pope Leo ang Pilipinas, Taiwan, Hong Kong, rehiyon ng Guangdong sa China, at Vietnam na lubhang naapektuhan ng matinding sama ng panahon.

Ipinapaabot ng Santo Papa ang kanyang panalangin at malasakit sa mga pamilya ng mga nasawi, mga nawawala, at milyun-milyong napilitang lumikas, gayundin sa mga nawalan ng tahanan at kabuhayan. Nagpahayag din siya ng suporta sa mga rescuer at sa mga lokal na awtoridad na patuloy na nagsasagawa ng pagtulong.

“I assure the affected populations,” the Pope continued, “especially the poorest, of my closeness and my prayers for the victims, the missing, the many displaced families, the countless people who have suffered hardship, as well as the rescue workers and civil authorities,” ayon sa pahayag ni Pope Leo.

Dagdag pa ng Santo Papa, “I invite everyone to put their trust in God and to show solidarity with others. May the Lord give strength and courage to overcome every adversity.”

Hinimok ng Papa ang lahat na magtiwala sa Diyos at magpakita ng pagkakaisa at malasakit sa kapwa at ang dalangin na pagkalooban ng Panginoon ng lakas at tapang ang lahat upang malampasan ang mabibigat na pagsubok.

Batay sa mga ulat, sa Pilipinas, hindi bababa sa 25 ang nasawi, habang 14 naman ang naiulat na namatay sa Taiwan.

Ang bagyo na may international name na Ragasa—ang pinakamalakas na bagyo ngayong taon habang inaasahan ding may apat na bagyo ang papasok sa Philippine area of Responsibility sa buwan ng Oktubre.

Una na ring nagsagawa ng second collection ang ilang mga diyosesis sa Bicol Region na nakatuon sa pagtulong sa mga naapekturan ng magkakasunod na sama ng panahon-kung saan pinakamatinding nasalanta ay ang lalawigan ng Masbate.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 17,852 total reads

 17,852 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 55,623 total reads

 55,623 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 73,834 total reads

 73,834 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 158,162 total reads

 158,162 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 194,682 total reads

 194,682 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top