St. John Henry Newman, kinilala ni Pope Leo XIV bilang Doctor of the Church

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,046 total views

Vatican-Inanunsyo ni Pope Leo XIV ang pagkilala kay St. John Henry Newman bilang Doctor of the Church sa gaganaping pagdiriwang sa darating na Nobyembre 1, kasabay ng Kapistahan ng Lahat ng mga Santo.

Ayon sa Santo Papa, si St. John Newman ay nagbigay ng malaking ambag sa pagpapalago ng teolohiya at sa mas malalim na pag-unawa sa doktrinang Kristiyano, lalo na sa konteksto ng Jubilee ng sektor ng edukasyon.

“I will confer the title of doctor of the Church on St. John Henry Newman, who gave a decisive contribution to the renewal of theology and to understanding Christian doctrine in its development, in the context of the Jubilee of the world of education,” ayon sa pahayag ni Pope Leo XIV sa misa ginanap para sa Jubilee of Catechists sa St. Peter’s Square.

Sa proklamasyong ito, ang banal ay ang magiging ika-38 na Pantas ng Simbahan, kabilang sa piling pangkat ng mga santo na kinilala dahil sa kanilang pangmatagalang kontribusyon sa teolohiya at espiritualidad ng Simbahang Katolika.

Kinikilala siya para sa kanyang mga pananaw hinggil sa pag-unlad ng doktrina at sa gampanin ng konsensya.

Si St. Newman, isang teologong Ingles noong ika-19 na siglo, ay unang nakilala bilang paring Anglikano bago pumasok sa Simbahang Katolika noong 1845 sa gabay ni Beato Dominic Barberi.

Pagkaraan ng dalawang taon, naordinahan siyang paring Katoliko at itinatag ang Oratory of St. Philip Neri sa Inglatera. Noong 1879, siya ay ginawang kardinal ni Pope Leo XIII.

Kabilang sa mga kilala at pangunahing Pantas ng Simbahan ay sina San Agustin ng Hipona (St. Augustine of Hippo), Santo Tomas de Aquino (St. Thomas Aquinas) at ang kauna-unahang babaeng pantas na si Santa Teresa ng Ávila (St. Teresa of Avila).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 19,199 total views

 19,199 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 69,883 total views

 69,883 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 76,012 total views

 76,012 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 105,482 total views

 105,482 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 123,275 total views

 123,275 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top