Kabataan, hinimok ng Archdiocese of Caceres Youth Commission na manindigan laban sa korapsyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,167 total reads

Nanawagan ang Caceres Youth Commission sa mga kabataan partikular na sa lahat ng mga Parish Youth Ministries at Youth Organizations sa Arkidiyosesis ng Caceres na makibahagi sa pagsasagawa ng lokal na bersyon ng Trillion Peso March sa arkidiyosesis bilang pakikiisa ng mga Bicolano sa pambansang panawagan laban sa sistematikong korapsyon at para sa mabuting pamamahala sa bansa.

Matatandaang pansamantalang ipinagpaliban ang gawain na unang itinakda noong ika-25 ng Setyembre, 2025 bilang pag-iingat mula sa sama ng panahon na dulot ng Bagyong Opong sa Bicol region.

Nakatakda ang pagsasagawa ng lokal na bersyon ng pagkilos na tinaguriang ‘Trillion Peso March sa Kabikolan: Aldaw Nin Pamibi Ki Ina’ sa darating na a-uno ng Okture, 2025 sa Peñafrancia Basilica Minore Grounds sa Naga City.

“The Caceres Youth Commission calls on all Parish Youth Ministries and Youth Organizations to take a stand against corruption by joining the Trillion Peso March sa Kabikolan: Aldaw nin Pamibi ki Inâ tomorrow… Together with Inâ, let us stand as one Church and one nation. Rumpagon an Korapsyon sa Bilog na Nacion!” Bahagi ng paanyaya ng Caceres Youth Commission.

Magsisimula ang pagkilos sa pamamagitan ng isang Peaceful Protest March ganap na alas-dos ng hapon mula Ateneo de Naga University hanggang Peñafrancia Basilica Minore na susundan ng maikling programa ganap na alas-kwatro ng hapon upang ipahayag ang pakikiisa ang mga Bicolano sa panawagang papanagutin ang lahat ng may kaugnayan sa sistematikong katiwalian sa kaban ng bayan.

Inaanyayahan rin ang lahat ng makikibahagi sa pagkilos na magsuot ng puting damit bilang simbolo ng pagkakaisa at malinis na hangarin para sa katotohanan, katarungan at pagbabago sa bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 91,151 total reads

 91,151 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 185,181 total reads

 185,181 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 229,449 total reads

 229,449 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 252,558 total reads

 252,558 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 323,565 total reads

 323,565 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top