Sambayang Pilipino, hinimok na mag-alay ng panalangin at tulong sa mga biktima ng lindol sa Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,604 total reads

Ibinahagi ni Ipil, Zamboanga Sibugay Bishop Glenn Corsiga ang personal na karanasan sa naganap na magnitude 6.9 earthquake na yumanig sa Cebu nitong September 30, 2025.

Si Bishop Corsiga ay kabilang sa mga dumalo sa solemn canonical possession ni Cebu Archbishop Alberto Uy, at kasalukuyang nagpapahinga sa ikatlong palapag ng isang hotel malapit sa Our Mother of Perpetual Help – Redemptorist Church sa Cebu City nang biglang yanigin ang gusali.

Ayon sa obispo, ang kanyang karanasan ay nagpaalala sa mamamayan hinggil sa kahalagahan ng kahandaan sa ganitong uri ng sakuna.

“That was one kind of a horrific experience… when you are given a time to save your life and there was no one to help you because all of you have the same perpetual goal in that short moment,” pagbabahagi ni Bishop Corsiga.

Bunsod nito, hinimok ni Bishop Corsiga ang publiko na paigtingin ang kahandaan sa pamamagitan wastong kaalaman at disiplina upang maiwasan ang pagkataranta at sisihan sa panahon ng kalamidad.

Ilan pa sa kanyang paalala ang regular na pagpapasuri ng mga bahay at gusali, pagkakaroon ng first aid kit, fire extinguishers, at sapat na suplay ng tubig, gayundin ang aktibong pakikilahok sa earthquake drills at rescue trainings.

Nanawagan din ang obispo ng pakikiisa sa pagtulong sa mga biktima ng lindol, kabilang ang pagbabahagi ng donasyon para sa mga nasalanta.

Hinimok din ni Bishop Corsiga ang lahat na mag-alay ng panalangin para sa mga nasawi at mga naulilang pamilya.

“Let us ask God to break the light of each day that those who live in the darkness of suffering, may come to grow hope in their hearts to see the blessing of tomorrow,” dagdag pa ni Bishop Corsiga.

Samantala, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na mahigit 300 aftershocks na ang naitala kasunod ng malakas na lindol, habang ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay higit 60 na ang nasawi at inaasahang madaragdagan pa habang nagpapatuloy ang search and rescue operations.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 25,001 total reads

 25,001 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 62,199 total reads

 62,199 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 80,410 total reads

 80,410 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 164,738 total reads

 164,738 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 200,948 total reads

 200,948 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,604 total reads

 80,604 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top